Sa kabila ng pagiging tahimik at pribado ng buhay ng beauty queen at aktres na si Bianca Manalo naging usap-usapan din siya at ang kanyang love life. Ito'y matapos magkomento ang isang netizen tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng anak ni Bianca Manalo at ito ay anak umano niya sa pagkadalaga.
Alam ng lahat na masaya ngayon ang love life ni Bianca Manalo sa piling ng kinakasama nitong si Sen. Win Gatchalian. Sa matagal na pagsasama nila ay nananatiling pribado at low key sa kanilang buhay.
Sa kabila ng pananahimik nila hindi pa rin naiwasang mapag-usapan sila lalo ang isyu tungkol sa pagkakaroon na ng anak ni Bianca Manalo. Nagsimula ang bali-balitang may anak na si Bianca nang magpost ang beauty queen ng mga larawan na may kasama siyang bata.
Isa na rito ay ang ipinost na larawan ni Bianca sa kanyang IG account na may kasama siyang napaka-cute na baby. Isa din sa mga naging basehan ng mga netizens na sabihing may anak na si Bianca ay ang kamakailang Instagram post nito kasama ang nobyong si Win Gatchalian kung saan binati niya ang isang teenager para sa 16th birthday nito.
Isang netizen ang nagkomento at nagakalang anak ni Bianca Manalo ang binati nito.
Sa isang pormal na pahayag, nilinaw niya na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu na may anak na siya sa pagkadalaga. Maging si Sen. Win ay wala ring anak sa pagkabinata.
Ayon mismo sa pahayag ng beauty queen ang kanilang ipinopost sa social media ay kanilang mga pamangkin. Nilinaw niya sa lahat ng kanyang mga followers na wala pa talaga siyang anak at wala pa sa isip nila iyon sa ngayon. Pero kung pagkakalooban naman sila, ay kanila itong tatanggapin ng bukal sa puso.
Samantala ang mas inaabangan ngayon ng lahat ay kung kailan magpapakasal ang matagal nang magkarelasyon na sina Bianca Manalo at Win Gatchalian.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!