Kim Chiu may banat kay Bongbong Marcos, bakit spokesperson ang sumasagot, siya po ba ang tatakbo?
Nagpatutsada ang kapamilya actress na si Kim Chiu laban kay Bongbong Marcos matapos nitong magpahayag ng statement ukol sa hamon sa kanya ng kapwa kandidato para sa pagkapangulo ng bansa na si VP Leni Robredo.
Nagtataka umano ang actress kung bakit ang laging sumasagot para kay BBM ay ang kanyang spokesperson gayong hindi naman umano ito ang kumakandidato sa pagkapangulo.
"Uhmm curious lang po? Bakit parang si Sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? Sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period pa lang? Dapat yung aapply yung sasagot. Just like any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW," tweet ni Kim.
Matatandaang inanyayahan ni VP Leni Robredo si BBM para sa isang debate para marinig ng madlang people ang kanyang say sa mga kontrobersiya na pumapalibot sa kanya.
Dahil sa tweet na ito ni Kim Chiu, umani ito ng samu't saring mga komento mula sa mga netizens lalo na sa mga social media. Isa na rito si OWWA Deputy Arnel Ignacio na nagbigay ng lecture kay Kim Chiu at ipinaliwanag ang ibig sabihin ng spokesperson na kung sa Tagalog pa ay tagapagsalita.
Sinabayan pa ng isang batikang mamamahayag na si Anthony Taberna na nagsabi namang 'little knowledge is dangerous', patama naman sa nasabing artista.
Ipinaliwang ni OWWA Deputy Arnel Ignacio kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng spokesperson. Sinabi rin niya na kaya kumukuha ng isang spokesperson para kapag busy ang isang tao may spokesperson na haharap at magpapaliwanag para sa kanya.
Wala naman umanong mali sa pagkakaroon ng isang spokesperson. Ang masama umano ay kung magpadala si BBM ng spokesperson sa mga debate at interview.
Pinayuhan rin nito na kumuha si Kim ng isang spokesperson at malaki umano ang maitutulong nito sa kanya.
Ayon naman kay Ka Tunying na ang paghahamon ni VP Leni ng one on one debate kay BBM ay tila nagpapahiwatig raw na sila na lamang dalawa ang natitira. Sinabi pa nito na baka ito raw ang ipinayo ng mga advisers ni VP Leni.
Tanong pa niya na kung sakali mang may isasagot si BBM tungkol sa kanyang mga plataporma. Papaniwalaan ba ito ng mga kakampink?
Sabi pa niya na paano malalaman ng mga kakampink ang mga plataporma ni BBM na hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi nito.
"Generally speaking, pagka kasi hindi mo linya alam mong hindi mo linya mahirap magsalita eh. Baka magkamali ka lang. Sabi nga nila little knowledge is dangerous. Ang gusto kasi ni Mama Leni at ng mga kumakampi sa kanya ay pasagutin si BBM roon na parang mamingwit, na parang pinapainan lamang nila si BBM at nabubuwiset lamang sila dahil matalino si BBM at hindi kumakagat sa mga pain nila. Kaya sila naiinis."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!