Magmula nang magsimula ang bilangan ng boto noong Mayo 9, hindi na naalis sa pagiging number 1 senator si Robin Padilla.
Siya ay nangunguna at pumalo na sa mahigit 26 million ang kanyang nakuhang boto. Samantala, ilan sa mga kritiko ni Robin Padilla ang hindi matanggap ang naging resulta ng halalan.
Tinawag pa ng mga ito na mga 'bobo' ang mga taong bumoto sa kanya. May mga nagsasabi at nagtatanong na rin kung ano umano ang magagawa ng isang action star, ng isang 'bad boy'? Dahil lang ba sikat, gwapo at may pangalan?
Marami na umanong wala sa tamang pag-iisip ang bumoto kay Robin Padilla. Kung may mga nadidismaya, marami rin ang nagtatanggol kay Robin Padilla.
Marami ang nakapanood sa interview kay Robin Padilla ng SMNI, kay Boy Abunda at kay Karen Davila. Dito ipinakita ni Robin Padilla ang kanyang kahusayan sa pagsagot sa mga katanungan patungkol sa mga isyu rito sa bansa.
Sinabi ng mga tagasuporta ni Robin Padilla na kung may pagdududa kay Robin ay tingnan na lamang nila ang mga interviews kay Robin upang malaman nila na isa si Robin sa mga nag-aaral lalo na sa history ng ating bansa.
Isusulong umano ni Robin Padilla ang federalismo, na magkakaroon ang bawat lalawigan ng bansa ng sarili nilang leader. Ayon pa kay Robin na ang federalismo ay isa sa magtatapos sa kurapsyon.
Dahil ang bawat namumuno sa lugar ay magkakaroon ng karapatan na ayusin ang sarili nilang pamamaraan. Kaya naman makikita rito kung anong lugar ang talagang yayabong at aling lugar ang hindi.
Para kay Robin, ang Federalismo ay isa lamang magulang na tutulungan ang mga anak na hindi pa maayos ang buhay. Pero kung ito'y maayos na, pwede na nilang pakawalan.
Maraming matutunan kay Robin Padilla na ayon pa ng ilan na ngayon lang nila naintindihan ang ibig sabihin ng Federalismo. Samantala, talagang all out ang support ng asawa ni Robin Padilla na si Mariel Padilla. Sa kanyang Instagram account, binati niya ang kanyang asawa kung saan sinabi niya na
"My number 1 senator."
Bago rito nagpahayag rin si Mariel sa kanyang pagboto at sa huli, sinabi rin niya ang kaganapan sa buhay niya noong May 9.
Si Kylie Padilla naman ngayon ang nagbigay ng congratulatory message para sa amang si Robin Padilla.
"I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo.
And all i can say, I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you.
But If I was to speak as his daughter, all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong.
He has always been selfless pagdating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen.
He was already doing that before all of this. Kaya whatever happens after today, however busy you become, please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!