Lantaran Interpreter Herlene Budol Sa International Pageant Stage Sinangayunan Malaki Ang Advantage

Huwebes, Mayo 5, 2022

/ by Sparkle


Sa pagkapasok ni Herlene Nicole Budol sa top 40 ng Bb. Pilipinas 2022 pageant ay labis labis ang kanyang kasiyahan dahil dream come true ito para sa kanya. 

Ngunit sa kabila ng samu't saring pambabatikos sa kanya patungkol sa mga sinasabing mahina diumano ang kanyang utak at hindi marunong mag-english. Deadma lamang ito para sa kanya at hindi siya nagpapaapekto sa mga sinsabi nila. 

Nagpapakatotoo lamang ito sa kanyang sarili at ginagamit ang sariling wika sa mga Q and A nito. Hindi umano naging trying hard si Herlene sa pagsagot sa mga Q and A na ibinabato sa kanya bagkus ay pinipili niyang gamitin ang sariling wika kung saan bilang isang Pilipina ay kumportable siyang gamitin.

Matatandaan na sa pagsali ng Miss Universe 2016, si Maxene Medina ay gumamit ng translator o interpreter. Ngunit english pa rin ang sagot ni Maxine Medina dito. 

Kaya naman ang Philippines Language Chief at National Artist na si Sir Virgilio Almario ay nagbigay ng pahayag tungkol sa ginawa ni Maxene.

"Binigyan na nga ng pagkakataong magsalita sa Filipino, nag-English pa rin. Buwisit na buwisit ako doon eh. Nasayang 'yung pagkakataon, 'yun sana, kahit hindi siya nanalo at least narinig 'yung Filipino sa buong mundo. Hindi pa naririnig eh. Kaya hindi naipagmamalaki eh, kasi hindi nakikita na dapat ipagmalaki 'yung mga languages."

Dagdag pa nito,

"Kahit di siya nanalo, magkakaroon ng ibang kahulugan 'yung kanyang sinasabi - di ba 'yun 'yung sinasabi? - kahit kabobohan 'yun, kung sinabi niya in Filipino, mayroong magiging quality 'yun na mapapahalagahan natin."

Ayon sa kanya na dapat ipagmalaki at gamitin natin ang sariling wika sa ibang bansa upang marinig at ipagmalaki natin ito. Kaya naman marahil si Herlene Nicole Budol ang kauna unahang magpaparinig ng wikang Pilipino sa international stage kung saan hindi ito nahihiya na sumagot ng Tagalog sa tuwing binabato siya ng mga Q and A. 

Makikita naman natin kay Herlene Nicole Budol na napakahusay niyang mag-express sa sariling wika Filipino. Ayon naman sa iba, hindi naman masamang gumamit ng translator o interpreter dahil ang pinaka importante naman daw ay ang masagot ito ng tama at galing sa puso.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo