Ilang araw na ang nakalipas mula ng pumanaw ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces. Hanggang ngayon masakit pa rin sa pamilya nito ang nangyari lalong lalo na kay Sen. Grace Poe at sa anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe.
Labis na nagluluksa ngayon ang mga naiwang pamilya ng batikang aktres at ng mga kasamahan sa industriya. Masakit man umano para sa kanila ngunit kailangan pa rin nilang tanggapin na masaya na ngayon si Ms. Susan Roces dahil kasama na niya ang kanyang yumaong asawa na si Fernando Poe Jr.
Samantala naging usap-usapan naman ng mga netizens ang tungkol sa hindi pagpunta ni Sheryl Cruz sa libing ng kanyang Mommy Susan. Kaya naman hindi nakapagpigil ang aktres na si Lovi Poe at nakapagbigay ng mensahe kay Sheryl Cruz.
Ayon kay Lovi Poe, kung ano man daw ang dahilan ni Ms. Sheryl Cruz sa hindi pagpunta sa libing ni Ms. Susan ay naiintindihan nila. Dahil baka may mahalaga itong inaasikaso.
Dagdag pa umano ni Ms. Lovi Poe, hindi na mahalaga ngayon kung gaano man kalaki o kaliit ang kanilang natanggap mula sa yumaong aktres na si Susan Roces. Basta ang mahalaga ay nagmamahalan at nagkakasundo silang pamilya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!