Maghihiganti Na Si Zeinab Harake! | Matapang at Walang Aatrasan Ngayon Si Zeinab Harake!

Sabado, Mayo 28, 2022

/ by Lovely


Marami sa mga fans ng sikat na Youtuber at vlogger na si Zeinab Harake ang naintriga nang magpost si Zeinab ng isang mensahe kalakip ang litrato nila ni Baby Bia sa wake ni Baby Moon noong Huwebes, May 26, 2022. Ani Zeinab sa caption ng nasabing picture,

"Kayong dalawa ang magandang nangyari sa buhay ko at kayo din ang ipaglalaban ko hanggang dulo dahil kayo ang lakas ko."

Sinundan naman ito ng mensahe ni Zeinab para kay Baby Moon,

 "To my Baby Moon, we love you di ka mawawala sa puso namin. Igaganti ka ni Mommy sa mga taong dahilan kung bakit ka nawala. Gabayan niyo kami ni God huh. Miss ka na namin."

Ang naturang IG story na ito ni Zeinab ay agad niya ding binura ngunit may mga screenshots pa ring nakuha ang mga netizens.

Marami naman sa mga tagahanga ng vlogger ang nalungkot sa post na iyon. Nagbigay ang ilan sa mga ito ng mga mensahe at payo para kay Zeinab.

Ayon sa ilan na ang tunay na revenge ay makukuha sa pagmomove forward. Ipapasa-diyos na lamang ang paghihiganti at ituon na lamang sa ibang bagay ang kanyang isipan. May nagsasabi rin na hindi kailangan ni Zeinab ng isang mangloloko sa kanyang buhay.

Sa malungkot na kinahantungan ng relasyon nina Skusta Clee at Zeinab Harake isa sa lubos na naapektuhan ay si Baby Bia. Kung kailan mahihinto ang gulong ito sa pagitan nila, ay sila lamang ang nakakaalam. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo