Angel Locsin, Melai Cantiveros, Kim Chiu at Bianca Gonzales, pinakakasuhan ng libel sa tahasang pagsasabi nila na magnanakaw si BBM.
Malaki ang tiwala at pag-asa nila Angel Locsin, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales at iba pang mga celebrities na magwawagi sa pagkapangulo ang kanilang sinusuportahan na si VP Leni Robredo. Kaya naman walang tigil silang magsalita sa kanilang mga campaign rally at ipinagsigawan pa na 'huwag bumoto sa mga magnanakaw at sinungaling', hindi man nila binanggit ang pangalan, malinaw naman na si Presumptive President Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang tinutukoy.
Matatandaang nagtrending noon si Melai Cantiveros matapos itong magsalita na 'huwag iboboto ang magnanakaw at sinungaling' sabay echoss. Hindi pa doon natapos ang mga negative campaigning ng mga celebrities na sumuporta kay Leni.
Isa din si Bianca Gonzales, ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray at si Pia Wurtzbach. Matindi ang kanilang ginawang panghuhusga sa magiging sunod na presidente ng ating bansa.
Kaya naman sigaw ng nakakararami na bumoto kay BBM, dapat kasuhan ng libel ang mga ito upang ma-sample-lan na maghain ng kanilang ebedinsya sa korte sa mga pinagsisigaw nila at isinaksak sa utak ng maraming tao na ang matinding katunggali ni VP Leni Robredo sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos Jr. na umanong magnanakaw at sinungaling.
Kaya naman ayon sa 31 million na bumoto kay BBM, it's about time na ma-sample-lan ang mga artistang ito. Na halos araw araw ipaalam na ang susunod na presidente ng bansa ay hindi dapat iboto at igalang.
Dagdag pa ng ilang bumuto kay BBM, kung hindi makakasuhan ng libel ang mga ito at hindi matanggap ang pag-upo ni BBM bilang bagong pangulo ng bansa ay malaya silang magmigrate sa ibang bansa. Dahil hindi umano sila kailangan dito sa Pilipinas lalo na at magiging sanhi pa sila ng kaguluhan.
Kung tutuusin ay buong buo ang karapatan ni BBM na kasuhan ang mga artistang ito. Pero pasalamat na nga lang sila dahil hindi mapaghiganti ang bagong halal na pangulo ng Pilipinas. Bagkos ay nagpakumbaba pa ito at nag welcome kahit pa man ang mga nambabatikos sa kanya at nanlait sa administration ng kanyang ama.
Puro kasamaan na lang ang nangyayari sa mundo na dinadala ng mga filipino... Darating ang panahon.. Sisingilin din sila ng Diyos... Sa aking karanarasan...too much bad sila!
TumugonBurahin