Mga Bagong Post Ngayon Nilang Dalawa Ni Zeinab Harake at Skusta Clee Ito Nga Ang Kanilang Sinabi

Biyernes, Mayo 6, 2022

/ by Sparkle

Narito ang mga hugot o patama nina Skusta Clee at Zeinab Harake sa kani kanilang social media accounts.

Marami ngayon sa mga fans nina Skusta Clee at Zeinab Harake ang napakomento at nagbigay ng kani kanilang mga opinyon tungkol sa isyu ng dalawa. Ito ang pinakabagong post o pahayag ni Skusta Clee na kanyang ipinost at ibinahagi sa kanyang FB account,

"Mahirap at Mayaman, parehas kong ranas yan. Ano man ang kahinatnan ko sa isa mga yan, alam ko kung pano ko mapapa-saya sarili ko. All goods lang dapat lagi."

Nagpasalamat naman si Skusta Clee sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya. Sabi nga niya sa kanyang kasunod na post,

"Maraming salamat kasi hindi nyoko iniwan. Tiwala lang! Hindi ko kayo bibiguin."

Marami naman sa mga kaibigan ni Skusta Clee ang nagkomento rito at pinusuan ang kanyang naging post.

Samantala, narito naman ang tweet ni Zeinab Harake sa kanyang official Twitter account.

"Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat ng mabuti para sa kanya kahit masakit para sa iyo.

-more than blue"

Dahil sa tweet na ito ni Zeinab, marami sa mga tagahanga nila ng dating partner ang napakomento. 

Komento ng mga fans na 'may time talaga na darating ka na sa sukdulan na matatauhan ka na lang. Kahit paulit ulit mo man siyang pinapatawad. Biglang marerealize mo na lang na pagod ka na at maaawa sa sarili kahit mahal mo pa siya may time na i-lelet go mo na siya. 

Marami sa mga fans nina Skusta Clee at Zeinab Harake ang nakaka-intindi sa kanilang naging hiwalayan. Maraming nagsasabi na magmove on o mag let go na lang. 

Ngunit may mga fans na nagsasabi rin na dapat ayusin nila ang kanilang misunderstanding at umaasang magkakaayos rin at magkabalikan sina Zeinab Harake at Skusta Clee. 

Magpahanggang ngayon, wala pa ring official confirmation sina Zeinab Harake at Skusta Clee kung totoong hiwalay na nga ba sila. Ang mga komento ng mga netizens ay binabase lamang sa mga nababasa at mga post nila sa kani kanilang social media accounts at sa nakitang naka unfollow na sila sa isa't isa, maging ang mga larawan nilang magkasama ay deleted na rin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo