Matapos magbigay ng pahayag ang social media personality na si Valentine Rosales patungkol sa diumano'y paninipa at pananakit ni Zeinab Harake sa hindi niya pinangalanang kaibigan. To the rescue naman kaagad ngayon ang mga kaibigan ni Zeinab Harake at hindi pinalampas ang mga patutsada ni Valentine Rosales.
Matatandaang tinawag ni Valentine Rosales si Zeinab Harake sa kanyang FB post at pinagsabihan pa ito tungkol sa paninipa sa kanyang kaibigan at ang pinakitang pag-uugali ni Zeinab sa loob ng club.
Ayon sa post nito,
Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko.
Tila hindi naman nagustuhan ng mga kaibigan ni Zeinab ang pakikisawsaw umano ni Valentine sa isyu ng dalawa. Sa Twitter, sunod-sunod na pagtatanggol ang ginawa ng mga kaibigan ni Zeinab. Una rito ay ang kaibigan ni Zeinab na si Melissa Enriquez aniya,
VALENTINE ROSALES TAMA KA NA KAKASAWSAW BAKLA!! ULTIMO MGA KASAMA MO SA ISSUE NIYO SINUSUKA KA. HINDI KA NILA KAIBIGAN TAPOS PINAPAKINABANGAN MO YUNG ISSUE. KADIRI KA!
Dagdag pa nito,
HOY VALENTINE ITO TATANDAAN MO, FAMEWHORE KA AT SINUSUKA KA NG MGA KASAMA MO SA ISSUE NIYO DAHIL FAMEWHORE KA.
Isa pa sa mga kaibigan ni Zeinab na si Lantis Espirito ang nagsalita kay Valentine,
To Valentine Rosales, tara bar one bottle lang? Pakita ko lang 'yung ugali na sinasabi mo.
Sinundan naman niya ito ng,
Sa dami-dami ng makikisawsaw ikaw pa talaga?
Maging si Awra Briguela ay hindi nakapagtimpi aniya,
May mga paepal na nakikisali sa issue para sumikat. Cloud chaser yarn?
Dagdag pa niya,
Iba na talaga mga home wrecker ngayon sila pa 'yung matatapang.
Pati ang manager ni Zeinab Harake na si Jhay Isidro ay nagsalita rin patungkol sa pagbanat ni Valentine Rosales kay Zeinab Harake. Kung saan ibinahagi nito ang post ni Swerab Smith, sa kanyang caption menintion niya si Valentine Rosales. Sa post ni Swerab Smith tila may pa blind item ito patungkol sa isang baklang pumunta sa kanyang kaarawan kahit hindi inimbita. May binigay pa itong clue na mahilig makisawsaw sa isyu wala namang pang-ambag.
Sinetch itey? Aklang nyordik na biglang pununta nung birthday ko di naman invited? Clue: mahilig makisawsaw sa issue wala naman pang ambag sa inuman.
Sa ngayon ay wala pang sagot si Zeinab Harake patungkol sa patutsadang ito ni Valentine Rosales. Ngunit sa kabila ng ginawa ni Zeinab Harake, marami pa ring mga netizens na kumakampi pa rin sa kanya. Nakikita kasi ng mga netizens kung sino talaga ang may kasalanan at marami ring nagsasabi na ipinagtanggol lang ni Zeinab Harake ang kanyang sarili sa lahat ng mga nanakit sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!