Mga Kapulisan Kitang Kita Kung Paano Labanan Ng Mga Aktibista Na Ayaw Maupo Si BBM at Sara

Miyerkules, Mayo 25, 2022

/ by Lovely

 

Pansarili lamang ba o ginamit lang ba nila si VP Leni Robredo? Ito ang naging komento ng mga netizens matapos sumugod ang mga rallihista sa harap ng Commission on Election sa pangalawang araw ng Presidential and VIce Presidential vote canvassing ngayong araw ng Myerkules May 25, 2022.

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga kapulisana at ilan sa mga grupo ng aktibista na nagra-rally upang subukang ipatigil ang canvassing at pigilan ang pamumuno nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa susunod na administrasyon.

Sa kanilang banner nakasulat ang mga katagang,

ITAKWIL ANG MADUMING HALALAN! LABANAN ANG PANUNUMBALIK NG REHIMENF MARCOS-DUTERTE!

Ito'y sa kabila ng paki-usap ni VP Leni Robredo na tanggapin ang katotohanan na ang nasabing halalan ay hindi pumabor sa kanila. Kaya tanong ng mga netizens, ipinaglalaban pa kaya nila si VP Leni o may ibang tao na nasa likod nito na patuloy na ginagamit ang mga taong ito?

Kahapon lamang ay nandoon si Atty. Macalintal, ang tagapasalita ni VP Leni Robredo. Ipinahayag nito ang pag-concede ni VP Leni at tinatanggap na nito ang pagkatalo sa naganap na halalan.

Komento naman ng ilang mga netizens, kung talagang mahal ng mga aktibistang ito si VP Leni Robredo ay tutugon at susunod na dapat sila sa paki-usap nito na tanggapin na ang naging resulta ng election. Sabi pa ng ilan na kung sakaling may mangyayari sa mga ito tiyak na isisisi naman ito kina BBM at Sara. Kaya payo nila manatili na lamang sa bahay at tanggapin na lamang na hindi ang kanilang sinusuportahang mga kandidato ang nanalo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo