Matapos matanggap ng talent manager na si Ogie Diaz ang pagkapanalo ng UniTeam, isa na naman artista ang nagpahayag na natanggap na niya ang resulta ng halalan.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Michael V ang kanyang pagtanggap sa bagong Pangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa pamamagitan ng isang tula,
"Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko.
Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na!
“Comedy at entertainment” hanggang do’n lang ang ambisyon.
Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”.
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon.
Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.
Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.
Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas.
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas."
Tila isa rin itong mensahe para sa kapwa niya celebrities na sumuporta kay Leni Robredo. Tilang sinabi ni Michael V. na tumigil na at tanggapin na lamang ang resulta ng halalan 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!