Naalala at naiyak si Toni Fowler sa bigay na singsing ni Rob Moya at marami ang natouch din dito

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely


Humiling ngayon si Mommy Toni Fowler na huwag siyang ibash at husgahan matapos niyang patawarin ang dating karelasyon na si Rob Moya. Naniniwala kasi umano siya sa second chance.

Matapos maglabas ni Rob Moya ng vlog sa kanyang YT channel kung saan makikitang nag-uusap sila ni Mommy Toni Fowler. Si Rob Moya mismo ang pumunta sa Toro de Palacio, ang bahay nina Toni Fowler.

Dito ibinahagi ni Toni Fowler ang kanilang nakaraan ni Rob Moya na aniya hindi niya pinagsisihan dahil tanggap umano niya na may mga taong hindi man itinakda para sa kanya ngunit naging bahagi rin ng kanyang buhay.

Humingi rin siya ng hindi lang kay Rob Moya kundi maging sa mga supporters at sa mga mahal nila sa buhay ni Rob Moya dahil sa pagpapahiya umano niya rito.

Ibinahagi rin niya kung gaano kahalaga para sa kanya nag promise ring nila. Hiling ni Mommy Toni Fowler na huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya kay Rob Moya. Naniniwala kasi umano siya na everyone deserves a second chance.

Marami sa mga netizens na nakakita ng kanyang ibinahaging video ang natuwa lalo na ang kanilang mga tagahanga dahil sa wakas ay may closure na umanong nangyari sa kanilang relasyon.

May ilan pang natouch at naiyak. Komento pa ng ilan na napaka-strong talaga ni Mommy Toni Fowler dahil nakayanan niya ang mga pagsubok sa kanyang buhay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo