Nagpasaring si Skusta Clee sa kanyang SOCMED! Para kay Zeinab Harake nga ba yon?!

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely



Umani ng samu't saring reaction mula sa mga netizens ang bagong post na ibinahagi ni Skusta Clee.

Muling naging usap-usapan ang Rapper na si Skusta Clee matapos muling nagbahagi ng isang cryptic post na pinagkakaguluhan ngayon online.

Matataandaang, lagi silang laman ng tsismis nitong mga nakaraang buwan dahil sa mg isyung kinasasangkutan nila ni Zeinab Harake. Maaalala na unamg lumabas ang isyu ng makunan si Zeinab Harake sa kanilang second baby sana na si Baby Moon ma ibinahagi nito sa social media.

Matatandaan na nagsalita na si Zeinab sa kung ano ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa at kung ano ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Isiniwalat din ni Zeinab ang mga pinagdaanan niya, noong nagsasasama pa sila ni Skusta Clee.

Samantala, wala pa ring tugon si Skusta Clee sa mga ibinunyag ni Zeinab patungkol sa kanilang naging relasyon. Kahit pa inulan siya ng samu't saring negatibong komento at pambabatikos. Ang tanging tugon lamang niya ay ang pagbabahagi ng mga post na tila may laman at pasaring sa dating karelasyon nito na si Zeinab Harake.

Ngayon, muling naglabas ng bagong patutsada si Skusta Clee. Ito ay ang isang cryptic post. Marami ang napatanong sa post niyang,

Not my baby.



Hindi naman nabanggit kung sino ang tinutukoy niya sa post na ito. Gayunpaman, hinuha ng  mga netizens  na baka ang tinutukoy niya sa post na ito ay ang batang nalaglag sa sinapupunan ni Zeinab Harake.

Wala pa namang kasunod na post si Skusta na magbibigay linaw sa post niya ito. Tanging mga opinyon lamang ng mga netizens ang nagtutukoy na ito ay patungkol kay Baby Moon.

Nauna rito, may isa pang post si Skusta Clee na binigyan ng kahulugan ng mga netizens at iniisip na si Zeinab Harake ang tinutukoy rito ni Skusta Clee. Ito ay ang post ni Skusta na,

Mababang uri ng tao. Gets nyo na yon.



Hinuha tuloy ng mga netizens na tila unti-unting nilalabas ni Skusta Clee ang version niya sa kung bakit sila nagkahiwalay ni Zeinab Harake. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo