Lumabas sa social media si Kris Aquino para patunayang buhay na buhay pa siya at lumalaban. Wala raw siya sa ICU, nag-aagaw buhay o naghihingalo na.
"Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU at nag-aagaw buhay ako. Masyado kayong advance. Para klaro ang lahat, dahil gusto niyong mawala na ako. Well I'm not yet dead. I'm going to fight to stay alive."
Ito ang pahayag ni Kris habang nakasakay sa wheelchair.
By this time, marahil ay naka-alis na si Kris papuntang America na maraming beses na hindi natuloy dahil sa kanyang kondisyon. Matatandaang kinumpirma niya na mayroon siyang tatlong autoimmune conditions at Churg Strauss Syndrome.
Pakiusap niya sa nasabing post, huwag na sanang magkomento ng masasama alang alang na lamang sa kanyang dalawang anak.
"Pasensya na. Hindi ko lang siguro if my video made sense. Mula end of April we found out na life threatening na yung condition ko. I've always been proud of my honesty and courage. Ginusto kong makalipad ng tahimik pero utang ko sa nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan, 'ang mag-thank you and tell the truth'. Kayo nalang please kayo na ang magresearch sa three confirmed autoimmune conditions ko."
Dagdag pa ni Kris.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!