Sina Farrah Fawcett, Victoria Principal, Jamely Cortesi at Barbara Carrera ang ilan sa mg popular Hollywood personalities na nakatrabaho ni James noong naninirahan pa siya sa ibang bansa.
Naapektuhan ng husto si James nang pumanaw si Fawcett noong June 25, 2009 dahil tatlong taon niyan nakatrabaho ang sikat na American actress.
Sa dating panayam kay James ikinuwento niyang siya ang tumulong sa paglikha ng make up at hairdo ni Fawcett sa iconic poster ng hit television series na 'Charlie's Angels'.
Si James ang unang Pilipino na itinampok sa French Vogue at siya rin ang unang nagpakilala sa Pilipinas ng air brush make up.
Nang magpasya siyang bumalik sa Pilipinas noong kalagitnaan ng 2008, siya ang responsable sa make over ni Maricel Soriano. Si James ang make-up artist ng karamihan sa mga project ni Maricel Soriano tulad ng Ikaw Lang ang Minahal, Soltera, Kung Maibabalik Ko Lang, Mila at Babaeng Hampas-Lupa.
Naging make-up artist din siya sa mga pelikula nila Lorna Tolentino, Dawn Zulueta, Alice Dixson at Sharon Cuneta.
Ang former ABS-CBN reporter at incumbent Laguna 3rd District House Representative Sol Aragones ang isa sa mga nabigla sa pagpanaw ni Cooper dahil magkasama pa sila noong sabado ng gabi May 28.
Mensahe ni Aragones,
"Mahirap magpaalam sa isang matalik na kaibigan na naging bahagi ng buhay ko sa ng maraming taon. Lagi kang nandiyan sa hirap at saya ng buhay ko. Mahirap tanggapin na kagabi magkasama pa tayo at nagpaplano para sa ating mga pangarap. Mahirap gumising sa bawat umaga na wala ka na Tito James Cooper. Pero alam namin na papawiin mo ang lungkot na aming nararamdaman. Alam ko na mas nais mo na ipagpatuloy namin ang mayamang ideya mo pagdating sa sining. Paalam na aming kaibigan. Hindi ka namin makakalimutan magpakailanman."
Pumanaw si Cooper ilang linggo matapos pumanaw ang isang pang make-up artist na si Fanny Serrano noong May 10, 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!