Anak ni Pangulong Duterte na si Kitty Duterte ang ipapalit umano kay Andrea Brillantes bilang isang endorser ng isang beauty product matapos ang sagutan nilang dalawa at sa ginawang pambabastos ni Andrea Brillantes sa mga bumoto kina BBM at Sara Duterte.
Maingay na pinag-uusapan ngayon ang viral convo nina Andrea Brillantes at Kitty Duterte sa Twitter. Ang lahat ng ito ay nag-ugat mula nang magpost si Andrea tungkol sa kanyang pagkadismaya sa resulta ng halalan.
Nagalit itong si Andrea sa pagkatalo ni VP Leni Robredo sa pagkapangulo. Dismayado ang young actress sa 31 million na bumoto kina BBM at Sara Duterte.
Sa kanyang post, hinamak niya ang mga taong bumoto at tila sinabing mga bobo ito. Marami naman ang nadismaya sa pahayag na ito ni Andrea. Napakataas umano ng tingin ni Andrea sa kanyang sarili.
Dahil rito, nagreact na rin ang CEO ng Brilliant Skin kung saan si Andrea ang main endorser. Ayon sa CEO ng Brilliant na si Miss Glenda, lagi nilang pinopromote sa kanilang kompanya ang pagiging kind sa mga empleyado.
Kaya never niyang matu-tolerate ang mga hindi magandang actions ng kanyang mga empleyado sa mga naoffend umano ni Andrea sa kanyang mga post nitong mga nagdaang araw, siya na ang humihingi ng paumanhin. Ayon pa sa kanyang pahayag,
"The political views and opinion expressed by our endorser do not state or reflect those of the company and its management."
Hiling din ni Miss Glenda na sana'y huwag mandamay ng mga produkto ng Brilliant Skin dahil sa dami ng umaasang empleyado dito at pati na rin sa mga nagtayo ng maliliit na negosyo mula rito.
Samantala, sa kasunod na post ni Miss Glenda ay nagpahiwatig na rin ito na maaring palitan na si Andrea bilang brand ambassador ng kanyang kompanya. Ito'y matapos makatanggap ng mga suggestions mula sa mga netizens na kung maaari ay si Kitty Duterte na lamang umano ang kunin nito.
Maganda naman din si Kitty at makinis rin ang kutis nito. Tila nakarating kay Miss Glenda ang panawagan na ito ng mga tao kaya naman sa sumunod niyang post na nakatag kay Veronica 'Kitty' Duterte.
"Sige, kung makukuha natin si Veronica Duterte, why not?"
Marami naman ang naexcite sa sinabing ito ni Miss Glenda. Isa na nga rito ay si Senyora na mula pa man ay open na sumusuporta sa mga Duterte. Komento naman ng mga netizens na ito na umano ang panahon na maturuan ng leksyon si Andrea.
Nararapat lamang umano na isang role model ang kukunin ng nasabing CEO bilang isang endorser at sa aspetong iyon ay bagsak si Andrea Brillantes. Sa ngayon ay wala pang tugon si Kitty sa tila isang proposal ni Miss Glenda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!