PBBM at Korea Magsasanib Pwersa Para Pababain Ang Kuryente Nuclear Power Plant Bubuhayin

Sabado, Mayo 28, 2022

/ by Lovely


Inamin ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. na nakipag-usap na siya sa Korea tungkol sa posibleng pag-rehabilitate ng Nuclear Power Plant na nasa Bataan. Ito'y upang magkaroon ng mababang presyo ng kuryente sa Pilipinas.

May mga ekspertong hindi sumang-ayon dito dahil na rin umano sa mga hindi magandang epekto nito ngunit may mga sumang-ayon rin naman. Ayon sa kanila, hindi ito gagawin ng US kung hindi ito safety. Sa US kasalukuyang gumagamit sila ng Nuclear Power Plant kay naman mura ang presyo ng kuryente nila doon.

Samantala nangako ang Korea na tutulong sila kung sakaling ma-aprubahan ang pagpapa-rehabilitate ng Nuclear Power Plant.

Kung may mga negative effects man ito, marami rin naman ang mabubuting epekto nito gaya na lamang ng mapapababa ang presyo ng kuryente. May mga nag-aalangan dahil baka umano matulad ito sa nangyaring pagsabok ng Nuclear Power Plant sa Japan.

Sagot naman ng isang eksperto, na nangyari ito noon sa Japan dahil sa Tsunami.

Umani naman ito ng samu't saring mga komento mula sa mga netizens. May mga pumabor mayroon namang natatakot sa maaring dalang kapahamakan ng Nuclear Power Plant.

Ayon sa isang netizen, ang Nuclear Power ay isa sa mga mabisang mapagkukunan ng energy ngunit hindi rin na maitatanggi na maaring may mga aksidenteng magaganap. Upang maiwasan ito maaring humingi ng tulong sa mga mas nakakaalam kagaya na lamang sa International Atomic Energy Agency.

Dagdag pa ng iba na ang tumututol umano na makapag operate ang Nuclear Power Plant ay ang mga negosyanteng nagpapatubo gamit ang iba't ibang privatized power generation plant.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo