Ratio sa pagitan ng boto nina Marcos at Robredo na laging nasa 47%, pinuna sa social media | 24 Oras

Huwebes, Mayo 12, 2022

/ by Sparkle

Sa pagpasok kagabi ng mga results sa transparency server ng COMELEC galing sa mga sinasagawang transmission ng bawat clustered precincts. 

Habang tumataas ang bilang ng mga natatanggap na Election Returns mula sa mga clustered precincts sa buong bansa, may mga napansin ang mga netizens at ipinost naman kaagad sa social media. Mula umano 8:02 p.m hanggang 9:30 p.m nasa 47% ang ratio sa pagitan ng boto nina Ferdinand Marcos Jr. at ni VP Leni Robredo. 

Kaya naman sila umano ay nagtataka kung bakit ito nangyari gayong galing sa iba't ibang lugar ang mga Transmitted ER. Kasama sa mga ito ang President ng Chamber of Commerce of the Philippines Island Jose Luis Yulo. Ayon sa kanya,

"If you look at how the figure are coming in, eh very clear naman na there is something wrong, it's not statically possible consistent 47%, na bawat presinto 47%. Ano ba naman 'yan? That cannot happen."

Maging si Professor Allison Yang ng Ateneo University ay nagtataka rin sa resultang ito at ayon sa kanya, kailangan nang masusing pag-aaral at dagdag na datos mula sa mga ER upang makatiyak.

Samantala, ayon sa COMELEC mahirap sabihin na mayroong dayaan na nangyari batay lamang sa percentage ratio ng mga resulta. Dumaan naman umano sa mga certification ang mga machine at imposibleng mag insert ng percentage para lamang ikapanalo ng isang certain candidate. 

Dagdag pa ng COMELEC, maaari naman umanong i-check ang bawat Election Returns ng bawat probinsya upang matiyak na wala talagang dayaang naganap. Ayon naman kay Professor Gido David, isang mathematician  ng OCTA Research Group, mathematically probable ang walang palyang 47% ratio at hindi ito maituturing na isang ebidensya ng dayaan. 

Nasa paraan umano ito ng data reporting. Maaari itong magbago kung titingnan ang bawat ratio ng probinsya.

Hindi naman naalarma ang Parish Pastoral Council for Resposible Voting o PPCRV sa usaping ito ngunit kanila rin umano itong pag-aaralan. Ayon naman sa NAMFREL, hindi naman ito nakakaalarma sapagkat ito rin lang naman ang mga resulta sa mga nagdaang surveys.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo