Masayang masaya si Aljur Abrenica nang mabalitaang nangunguna sa senatorial race ang kanyang father-in-law.
"Kasi si papa ang dami na niyang natulungan. Alam natin yan diba dito sa ating industriya. Yung mga stuntman, tinulungan niya. Doon ako humahanga sa kanya e.
He has the ability kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga. And he remembers people. One time may isang tao na isang beses lang niya nakita and he was telling me na nakasama niya ito sa isang event.
Hindi niya ito kilala at once lang niya nakita pero natatandaan niya nang tawagin siya. Si papa he takes care of his people. And he understands the situation. So actually plus yun para sa atin sa industriya na nakaposisyon siya. Kasi he knows eh. Alam niya kung ano ang dapat ayusin sa industriya.
How to make it better. He'll be striving to make our industry better. And outside of that, in his community nakita ko kung sino siya. He deserves to be the number 1 talaga para sa akin. Kaya I'm so happy for him."
Ito naman ang masasabi niya sa mga taong minamaliit ang kakayahan ni Robin Padilla.
"Well, for me, I respect that. But sometimes kasi, we, yung isang dinig lang natin, we believe. Sometimes hindi natin alam na nasa social dilemma tayo. Sa posts natin sa social media, kung ano lang ang gusto nating ipakita, yun lang ang ipinapakita natin.
Kaya mas mabuti na mag-research tayo. Halimbawa, kung ang ipinapakita lang sa posts ng isang tao eh, ano, yung pro. This is proven, sa Google - pag nag-search ka about certain person, lahat ng gusto mong makita, yun lang ang ipapakita nila. So you ask other people na anti naman.
I-search mo sa Google nila, makikita mo rin yung pangit. So, kailangan na mag-research ka nang husto sa social dillema para maintindihan mong mabuti. Ako kasi ganun ako eh. When I hear about people na right away nagre-react, like sa mga bashers di ba, wala namang perpekto e. You just weigh.
Huwag kang maniwala agad na 'oh he's not qualified.' Alamin mo muna ang story ng tao, yung pinagdadaanan niya, saan siya nagsimula, yung ups and downs niya. Ako kasi naniniwala ako kay papa e. Naniniwala ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan. Lalo na yung bumabagsak siya.
Hindi naman siya laging sikat. Hindi siya laging nasa top di ba? Ang daming beses niyang bumagsak pero nakakabangon siya. Dun mo masusukat ang isang lalaki, ang pagiging lider ng isang tao. If somethings happen to our country. I know he can handle it.
And ang gusto ko pa para kay papa, he has the heart, di ba? Matalino na siya, may puso pa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!