Rumesbak si Valentine Rosales kay Zeinab Harake dahil sa pananakit nito kay Aira Mae Lipata

Sabado, Mayo 28, 2022

/ by Lovely


 Nag-react si Valentine Rosales sa balitang sinaktan umano ni Zeinab Harake ang kanyang kaibigan na si Aira Mae Lipata. Sa kanyang Facebook post tinawag na Zeinab Karate ni Valentine ang controversial vlogger. Dahil diumano sa isang incident na nangyari sa isang club.

Matatandaan na trending topic ngayon sa social media ang paninipa diumano ni Zeinab kay Aira Mae Lipata na napapabalitang bagong kasintahan ni Skusta Clee.

Ani Valentine sa kanyang post,

Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko.

Hindi man pinangalanan ni Valentine ang tinutukoy niyang kaibigan ay alam naman ng publiko kung sino ito. Si Aira Mae Lipata lang naman ang pangalan na na-uugnay sa sipaan issue ni Zeinab sa isang club sa Quezon City.

Ilang mga kakilala naman ni Valentine ang nagtanggol kay Zeinab at sinabihan si Valentine na huwag na itong makialam. Nakikisawsaw pa umano siya sa isyu na trending ngayon online. 

Wala pa namang sagot si Zeinab sa banat na ito ni Valentine ngunit nagreact ang mga netizens sa pakikisawsaw ni Valentine sa isyung ito. 

Sabi ng ilan, na hindi umano alam ni Valentine ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil sa stress sa partner dahil sa pangangaliwa nito. Dagdag pa nila, na ang sakit sa mukha ng kaibigan ni Valentine ay mawawala pa ngunit ang anak na nawala kay Zeinab ay hindi na maibabalik.

Komento pa ng ilan na may karapatan umano si Zeinab na magkaganoon kahit hindi sila kasal ni Skusta Clee dahil may anak at pamilya na silang nasira. Ang physical damage ay madaling maghilom ngunit ang emotional pain ay matagal mawala.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo