Dahil sa mga maanghang na komento ng young star na si Andrea Brillantes laban sa mga bumoto kina Bongbong Marcos at Sara Duterte, tila nasira na ang imahe nito sa madla. Ngayon, isang salon ang nag-alis kay Andrea sa pagiging celebrity client.
Hindi ikinatuwa ng 31 million na mga botante ang naging komento ni Andrea Brillantes sa social media. Umani ito ng samu't saring mga negatibong komento at binatikos ng husto si Andrea.
Marami ang nagbabantang iboboycot nila ang mga produktong iniindorso ni Andrea Brillantes. Una nang hiniling ng mga netizens na alisin ang mukha niya sa isang beauty product at ang mga billboard nito.
Ayon sa kanila, sa tuwing nakikita nila ang mukha ni Andrea ay maaalala nila ang mga sinabi nitong hindi tama. Ngayon isa na namang endorsement ang mawala sa kanya.
Nitong nakaraan lamang, isang owner ng kilalang beauty salon ang nagmungkahing tanggalin na siya sa kanilang mga celebrity clients. Sa kanilang pahayag sinabi nilang tatawagan na nila ang ina ni Andrea Brillantes upang ipaalam na aalisin na ito sa listahan ng mga celebrity clients nila.
Humingi naman ito ng paumanhin in behalf kay Andrea sa mga taong nasaktan sa pambabastos umano ni Andrea.
"She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. When I read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabelle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginawa niya, in behalf of Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies."
Samantala, kasalukuyang nananahimik sa ngayon si Andrea at hindi pa rin rumeresbak sa mga pambabatikos ng mga bashers sa kanya. Naglabas na ng official statement ang management ni Andrea Brillantes, ang Aguila Artist Management at ipinagtanggol ito sa mga fake tweets.
Dinepinsahan ng nasabing management si Andrea Brillantes laban sa mga nagpapakalat umanong mga fake tweets gamit ang kanyang pangalan. Itinangggi ng management na galing mismo kay Andrea ang mga kumakalat na mga tweets. Tulad na lamang ng,
"Stress na naman sila sa akin palibhasa mga inggit at hindi biniyayaan ni Lord ng magandang mukha."
"Shout out sa mga mahihilig sa fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng hotdog yun, mga bobo."
"Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang boboto nalang yung magnanakaw pa."
Narito naman ang buong statement ng management ni Andrea Brillantes.
"May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.
Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke/edited.
Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.
Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng kasong cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinaukulang aksyon.
Maraming salamat po."
Nais nila na sana ay matigil na ang mga paninira sa kanilang alaga na si Andrea Brillantes.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!