"Sobrang mahal ng gas pero yung mga sweldo ng tao hindi naman tumataas."
Ito ang naging trending post sa Tweeter ng singer na si Kyla. Tinatanong kasi ng mga netizens kung para kanino o sino nga ba ang pinagsasabihan ni Kyla sa nasabing Tweet niyang ito.
Tanong nila kung ang pinaparinggan umano ba nito ay ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte o ang bagong administrasyon na pamumunuan naman ni BBM. Komento naman ng iba na kung si VP Leni kaya ang nanalong pangulo ng bansa magrereklamo kaya itong si Kyla gayung kilala ito bilang isang kakampink.
Umani ang nasabing Tweet ni Kyla nang samu't saring pambabatikos mula sa mga netizens. May ilan na nagbigay ng payo kay Kyla na ang pagtaas sa presyo ng gasolina ay hindi maaring isisi sa pamahalaan dahil ito ay epekto sa nangyaring gyera sa ibang bansa.
Komento pa ng ilan, huwag puro reklamo kung hindi naman alam ang tunay na dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng gasolina. Huwag umanong isisi sa kasalukuyang administrasyon dahil hindi lang naman Pilipinas ang nakakaranas ng oil price hike kundi ang buong mundo.
May ilan pang nagsasabi na dahil sa pagkatalo ng sinusupurtahan nilang kandidato kaya sila puro reklamo ngayon. Tila hindi pa umano nakakamove on itong si Kyla.
Dagdag pa ng ilang mga netizens na kung hindi man tumaas ang sweldo nang mga manggagawa ay hindi naman umano siya apektado rito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!