Skusta Clee Nag Salita Na, Zeinab Harake Sinungaling Daw??

Huwebes, Mayo 12, 2022

/ by Sparkle

Inamin na ni Zeinab Harake sa publiko na hiwalay na sila ni Skusta Clee at isa na siyang single mom ngayon.

No.1 trending ngayon sa YouTube ang bagong video ni Toni Gonzaga na iniinterview niya ang vlogger na si Zeinab Harake. Halos umabot na ito sa 7 million views. 

Buong tapang na sinagot ni Zeinab ang mga katanungan sa kanya ni Toni. Sa nasabing interview, inamin na talaga ng vlogger sa publiko na hiwalay na talaga sila ng dating kinakasama na si Skusta Clee. 

Nagulat si Toni sa mga sinasabi ni Zeinab dahil hindi umano nito inakala na mangyayari ito kay Zeinab at ikinalulungkot rin ni Toni ang mga pinagdaraanang hirap ng kapwa niya YouTuber.

Inamin ni Zeinab na nag-checheat na naman si Skusta Clee at nahuli niya umano ito na may ibang babae. January pa lang ay madalas na silang mag-away hanggang tuluyan nang umalis sa bahay nila si Skusta Clee noong March.

Hindi napigilan ni Zeinab na maging emotional sa interview. Ayon pa sa kanya, pinipilit niya at nagmamakaawa siya noon kay Skusta para hindi sila iwan nito alang alang naman lang sana sa kanilang anak na si Baby Bia.

Samantala, inaabangan ngayon ng mga netizens ang tugon ni Skusta Clee sa mga idinidiin ni Zeinab Harake sa kanya. Sa Twitter account ni Skusta noong May 9, nagtweet ito ng isang cryptic post pero agad naman nitong binura.

"Ako na ang masama, ikaw na ang kawawa."

Nagpost din ito sa kanyang official Facebook account.

"Maraming salamat kasi di nyo ko iniwan. Tiwala lang hindi ko kayo bibiguin."

Noong nakaraang araw sa concert ni Skusta Clee, inamin niya ritong hiwalay na sila ni Zeinab sa pamamagitan sa kanyang pagkanta bago pa lumabas ang interview ni Zeinab.

Matatandaan na nitong lamang mga nagdaang araw ay naging usap usapan ang cryptic post sa Twitter ni Zeinab.

"Tingin ka sa salamin, makikita mo kung sino ang may kasalanan."

Sunod sunod rin ang patama ni Zeinab sa kanyang mga TikTok videos.

Narito naman ang ilang komento ng mga kaibigan at tagasuporta kay Zeinab.

"Mahal ka namin nak. Isa ka sa pinakamalakas at matibay na kilala ko. Malalagpasan mo lahat ng pagsubok na ito at mas magiging makulay ang buhay mo. Andito lang kami lahat para umalalay sayo."

"Mahal na mahal ka namin ate! Punong puno kayo ni Bia at ni Moon ng pagmamahal. Napakalakas mo."

"Ramdam na ramdam kita Zebby walang masamang maging single mom, hindi masama ang piliin natin ang sarili natin. Keep fighting Z!! Stay strong for Bia!"

"Letting go someone doesn't mean you are weak. Most cases specially when it comes to a relationship, it means you are brave and independent enough to fight for what is right and just.

Sa mga babae na katulad ni Zeb, you deserve a better man."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo