Skusta Clee Nagreact Sa Interview Ni Zeinab Harake! Deadma! Gawbu Ni Skusta Clee Binunyag Ni Zeinab

Miyerkules, Mayo 11, 2022

/ by Sparkle

Muling nagtrending ngayon si Zeinab Harake sa social media matapos ibinunyag ang patungkol sa kanila ni Skusta Clee. Ito na ang hinihintay ng mga tao, ang pagsasalita ng isa sa kanila ukol sa mga kontrobersiyang hinaharap nila.

Grabe pala ang ginawang panloloko ni Skusta Clee kay Zeinab Harake. Pinakita rin nito sa social media kung sino ang dahilan ng kanilang hiwalayan, kaibigan pa nila umano ito.

Nabanggit ni Zeinab Harake sa isang interview sa kanya na may ibang babaeng ginalaw si Skusta at kaibigan pa umano nila ang naging "BUGAW" nito. Pinakita rin ni Zeinab Harake ang picture ng mga kaibigan nito at may caption pa.

"Shout out sa kaibigan ko na 'bugaw' support naman kami sa mga palakad mo. Nakakaluka lang si Daryl pa ang naging favorite costumer mo. Kano cut?? Doblehin ko na. Kilala ko kayo lahat at iisa isahin ko kayo lahat. Magkikita pa tayo sa finals. Damay damay to ha. Di ko alam matatawag pa ba kayong tao sa mga kababuyan at mga kasamaan niyo. Buhay ng mga bata nasira dito. Basta alam niyo na kayo ang dahilan kung bakit nasira ang pamilyang binuo ko ng sobra. So thank you."

Kaya naman nagtrending din ang kaibigan nilang ito at binabash ng mga fans nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Komento nga ng ilan, kaibigan pa ba ang maituturing sa mga ganitong tao?

Sabi pa ni Zeinab Harake,

"Di siya happy makatanggap ng bati mula sa taong hinayaan masira yung pamilya niya

Fucking bugaw!"

Ipinagtanggol naman ni Johan si Zeinab. Sa isang post na nakatag pa kay Louie sinabi nitong,

"How ironic you're posting about Mother's Day yet you're one of the reason from what happened to her family. Funny noh? Hahahha. Nasa listahan na kayo don't worry."

Samantala, deadma lamang ito kay Skusta Clee. Tahimik lamang ito sa mga binitawang salita ni Zeinab Harake. 

Panay post lamang itong si Skusta Clee sa kanyang mga ganap at tila wala itong pakialam sa mga sinabi ni Zeinab Harake patungkol sa kanya. 

Kaya naman maraming nagsasabi na kinain na raw ng sistema si Skusta Clee. Dahil na rin umano ito sa kanyang yaman kaya kahit sinong babae ang pumapatol sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng maraming pera at fame. Ayon nga sa isang tweet ng netizen,

"I just don't understand. Skusta Clee is quite popular why girls are still flocking to him knowing that he is now a father and in relationship with Zeinab? Can't believe this kind of girls exist. Girls whom reading this, never be a mistress."

Marami ngayon ang naawa at nakikisimpatya kay Zeinab Harake matapos nitong ibunyag ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila ni Skusta Clee.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo