Ibinulgar ni Ogie Diaz ang nabalitaan sa kanyang latest showbiz update sa kanyang YT channel. Napag-usapan nila ng kanyang mga kasamahan ang diumano'y matunog na isyu ng hiwalayan ng showbiz couple na sina Janella Salvador at Markus Patterson.
Ayon sa pag-uusap nina Mama Loi at Ogie Diaz, base umano ito sa mga obserbasyon ng mga netizens. Napansin umano ng mga ito na tila wala nang bagong update ang dalawa sa kani kanilang Instagram account .
Wala na umano silang mga pictures na magkasama at maging silang tatlo ng kanilang anak na ibinahagi sa kanilang mga account. Kung sisiyasatin ang kani kanilang Instagram account ay walang panibagong pictures na magkasama ang dalawa kundi solong litrato lamang nila o di kaya'y kasama ang kanilang anak.
Walang together pictures si Mommy at Daddy with bagets January 1, New Year pa ang last. Kaya ang daming nagtatanong kung si Janella Salvador at Markus Patterson ba ay naghiwalay na. Sinang-ayunan naman ni Ogie Diaz ang mga napansin ng mga netizens dahil wala naman na talaga silang pictures na magkasama.
Dagdag pa ni Mama Loi, pinagtibay pa ng mga haka hakang ito ang katatapos lamang na kasal ng kaibigan nilang si Patrick Sugoy. Present kasi sa naturang event si Janella habang hindi naman nito kasama si Markus, ang anak lamang nila ang nandoon.
"Ang narinig ko lang Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na. Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson," pagsisiwalat ni Ogie Diaz.
"May drinking habit. Iyan ang narinig ko. Madalas na umiinom ng alak na kapag nakaka inom ng alak ay nagkakaroon ng anger management problem," pahayag ni Ogie Diaz.
Dahil rito ay binalikan ni Mama Loi ang dating interview ni Ogie kay Janella, kung saan ibinahagi rito ni Janella na may trauma na umano ito sa mga taong palainom.
"Pero kailangan pa nating makausap si Janella kung gaano katotoo ito. Minsan naman pagtinatanong si Janella hindi sumasagot iyon. So siyempre sasabihin nila, silence means yes," ani Ogie.
Ibinahagi ni Ogie Diaz na kung totoo ngang madalas na nag-aaway ang dalawa dahil sa pag-iinom ay tiyak na makikita ng bata ang mga nangyayari.
"Ako, para sa akin magpahinga muna sila kung totoong iyon ang dahilan nila," nasabi pa ni Ogie.
Kaya naman napatanong na ito kay Markus kung ano nga ba ang totoo?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!