Naiinggit o bitter lang ba ang Veteran Showbiz Columnist na si Lolit Solis kay Bea Alonzo dahil sa pagbili nito ng isang apartment sa Spain. Ito ang tanong ng mga netizens matapos muling banatan ni Lolit Solis si Bea Alonzo sa social media.
Kamakailan ay ibinida ni Bea Alonzo ang nabiling apartment sa Spain na ibinahagi niya sa kanyang YT video. Ayon sa aktres matagal na umano niyang pangarap magkaroon ng sariling bahay sa Europe para sa kanyang pamilya. Pagbabahagi pa nito na ang kanyang apartment ay nasa magandang lokasyon, may dalawa hanggang tatlong kwarto, may maraming mga bintana, may elevator at may heating ang cooling system. Matapos umano ng paghahanap mula sa anim na bahay mula sa ibang kalapit na lugar ay ito ang napili ni Bea.
Umani naman ng iba't ibang komento ng paghanga ang aktres mula sa mga netizens. Kung may mga masaya sa naging achievements na iti ni Bea may ilan namang iniintriga pa rin ito. Isa na rito ang Veteran Showbiz Columnist na si Lolit Solis. Muling pinatutsyadahan ni Lolit Solis si Bea Alonzo sa kanyang mahabang post sa Instagram. Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nagkomento si Lolit Solis sa mga naging achievements ni Bea Alonzo. Ngayon muli na naman itong tumalak nang mabalitaang may bagong achievements ang actress.
Ayon sa kanyang post,
"Wow bongga ang Bea Alonzo, Salve. Imagine mo na sa Spain siya bumili ng isang unit ng apartment ha. Talagang aral siya ng Spanish language para makipag chica chica sa mga neighbors niya doon sa Spain. In fairness, ang galing ng investment niya. Sure ako hindi tayo pwede bumisita doon Gorgy, Salve, dito ng sa Pinas pina-cancel tayo sa isang presscon ni Bea Alonzo. Baka lakas power niya at ipaharang tayo sa immigration sa Spain pag nagpunta tayo doon hahaha. Iyon na ang height ng power tripping, talagang bow na ako pag nagawa niya yon. Ewan ko kung bakit kailangang paabutin ni Bea Alonzo sa cancel culture ang inis niya sa atin, samantalang kung level headed siya all she have to do is confront us. Sabihin ang ayaw niya sa atin at kunin kung ano man ang side natin para maayos ang lahat. Easy lang, hindi kailangan iyon power play na ayaw ko sila makita sa presscon ko. Alisin sila sa mga list ng invited, very harsh di ba! Pero baka naman talagang wah niya feel ang face ko, ni Gorgy at Salve so be it. Your way, our way, kanya kanya tayo, at sana lang forever Bea Alonzo ka na may power magpacancel. Ganoon din naman iyon, pagbaba mo, andiyan pa rin kami nila Salve at Gorgy, dahil hindi tulad mo na ang puhunan beauty, na puwede mawala pag gurang na, kami habang tumatanda, tumataas ang premium , hahaha. Good luck Bea, sana umabot ka ng 75 years, bongga di ba!"
Ito ang maanghang na pahayag ni Lolit Solis at tila hindi pa rin nakakamove sa umano'y pagpapa cancel ni Bea Alonzo sa kanya sa mga invited list noon sa isang launching ng beauty products.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!