Tunay Na Dahilan Bakit Itinakwil Si Loren Legarda Ng Kanyang Panganay Na Anak Na Si Lorenzo Leviste

Sabado, Mayo 7, 2022

/ by Sparkle


"I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do."

Ito ang matatalim na salitang binitawan ni Lorenzo Legarda Leviste, 23 years old, laban sa kanyang ina na si Antique Representative Loren Legarda, 61 years old. 

Si Loren Legarda ay dalawang beses na nahalal bilang senador bago naging Kongresista. Kilala rin siya bilang isang dating batikang journalist at news anchor ng ABS CBN. 

Sa May 9, 2022 election ay kumakandidato siyang senador sa ilalim ng UniTeam, ang grupo ng tambalan nina Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ang naging dahilan kung bakit kinasuklaman at itinakwil si Loren ng kanyang panganay na anak na si Lorenzo Leviste. 

Isang matapang na open letter ang isinulat ni Lorenzo at inilathala noong miyerkules May 4, 2022. Ayon kay Lorenzo, hindi niya masikmura na pinili ng ina na suportahan ang kandidatora nina Markos Jr. at Sara Duterte na tinawag niyang mga Pasista. 

Naturingan pa umanong journalist si Loren noong panahon ng Martial Law at diktatorya ng ama ni Marcos Jr. ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

"She is endorsing facists. For weeks, I have been crying every day, screaming every day until I spat out blood. The decision she's made is so profoundly unthinkable,  unconscionable, unforgivable," emotional na pahayag ni Lorenzo.

Isang malaking kahihiyan umano ang political alliance ng kanyang ina.

"It sickens me and makes me want to die. I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this. Paint her bright red with that shame. Don't let her forget it in the words of a wise woman: I don't know her."

Binanggit pa ni Lorenzo ang aniya'y katuwiran ni Loren sa pagsuporta sa UniTeam.

"So I am on their ticket. Does that make me a fascist?," sabi umano ni Loren.

Parang dinuraan umano ng ina ang libu-libong mga tao at mga pamilya ng naitalang dumanas ng atrocities noong panahon raw ng Martial Law o sa ilalim ng present administration.

"The litany of Marcos crimes is not something to be debated. Their atrocities are fact. I was aghast by this woman who lived through Martial Law: she was once a journalist who taught me to value truth and justice. 
This is how vile, braindead and reckless these people are. They literally have no idea of what they are doing. The decades of violence and anguish they are unleashing. For her it is just  any other election year, ripe for unusual craven, convenient opportunism. 
There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan."

Si Lorenzo ay kasalukuyang nakabase sa ibang bansa at limang taon nang naninirahan doon. Sa loob ng panahong iyon ay hindi pa rin niya nakikita ang ina. 

Wala raw siyang ideya kung sino ang mga kandidato sa election hanggang sa mabalitaan niya ang pagkatuwa ng sikat na international singer na si Ariana Grande nang gamitin ang kanta nito sa grand campaign rally ng Leni-Kiko Tandem sa Pasig City. 

Ganoon pa man hindi umano kaila kay Lorenzo ang nagdaang anim na taong pulitika sa bansa kung saan ang mga tao ay sa tingin niya, may sakit na historical amnesia at denial sa tunay na mga pangyayari. 

Ito raw ang dahilan kung bakit sa kabila  ng tunay na dinanas ng bansa noon ay muli raw nananaig ang istilong diktatorya sa pamumuno sa bansa. Saad pa ni Lorenzo,

"I refuse the normalization of fascistic state thuggery, of lies as alternate truth, of the country's sorry history, history being rewritten as fable."

Bukod sa inang si Loren, tingin ni Lorenzo ay kasama ang mga botante sa mga mananagot sa mass murder, mass theft, the end of democracy, the denial of truth, the rewriting of history sakaling manalo sa election si Marcos Jr. 

Wala pa namang pahayag si Loren patungkol sa open letter na ito ng kanyang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo