Inaresto ng mga pulis ng Manila Police Department ang mamamamahayag na si Mon Tulfo dahil sa reklamong cyber libel. Ayon sa MPD, nadakip si Ramon Tulfo bandang alas 10 ng umaga noong myerkules May 18, 2020 sa quadrangle ng Manila City Hall.
Hinuli si Tulfo sa pamamagitan ng arrest warrant na inilabas ni Judge Ma. Victoria Soriano ng Manila Regional Trial Court. Dahil sa umano'y paglabag sa Sec.4 RA 10175 Cyber Law. Ayon sa MPD, dinala si Tulfo sa Special Mayor's Selection Team sa Manila City Hall.
Una rito, sinasabing huming ng tulong ng mga pulis ang compilanant na si Atty. Lyn Cruz upang maisilbi ang warrant at maaresto si Ramon Tulfo. Inisyuhan ng warrant si Mon dahil hindi na umano ito sumisipot sa hearing sa kanyamg kasong cyber libel. Kinasuhan ng dating Justice Secretary Metaliano Aguirre si Tulfo sa pambabatikos ng mamamahayag sa kanya sa column nito sa pahayagan. Hindi nabanggit kung ano ang pinag-ugatan ng reklamo laban sa kolumnista at media personality.
Kinumpirma ng Manila Police District na inaresto talaga si Ramon Tulfo o mas kilala bilang Mon Tulfo sa kasong libel. Si Mon Tulfo ay kapatid ni Raffy Tulfo na nanalo sa pagka senador sa bansa. Matatandaang sinabi noon ni Raffy na kung papalarin siyang manalo pagkasenador ay maghahain siya ng batas para alisin sa listahan ng mga krimen ang libel.
Samantala nakapyansa naman agad si Mon Tulfo at sa ngayon ay pansamantalang nakalaya na ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!