Umalma Ngayon Si Zeinab Harake Sa Paratang Ng Babae Narito Alamin Natin Ito

Biyernes, Mayo 13, 2022

/ by Sparkle

Umalma si Zeinab Harake sa mga kumakalat na fake news online ngayon.

Hanggang ngayon ay usap usapan pa rin ang hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Marami sa mga netizens at sa mga fans nila ang napatanong kung ano nga ba ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Ngunit nitong nagdaang araw lamang ay nagbigay na ng opisyal na pahayag si Zeinab Harake sa totoong naging ugat ng hiwalayan nila ni Skusta Clee. Sa interview ni Toni Gonzaga ay matapat na sinagot ni Zeinab Harake ang mga tanong ng kapwa vlogger at kinumpirma na hiwalay na talaga sila ni Skusta Clee.

Marami sa mga tagahanga nila Zeinab at Skusta ang napaluha sa rebelasyong ito. Ngunit isang netizen ngayon ang may ibinunyag patungkol kay Zeinab Harake. Narito ang kanyang caption sa post,

"Pinanuod ko, tinapos ko. Nakakaawa at nakakalungkot. I won't say it's karma pero gusto kung malaman mo na I was in the same situation when you did what you did 5 years ago. 

Yan mismo ako, ganyan kasakit nung nalaman ko yung about sa inyo ng daddy ng anak ko. Zeinab nagmamakaawa din ako sa iyo na ikaw na ang lumayo sa kanya at itigil niyo na pero wala kahit isa sa inyo ang nakinig. 

Kaya mag-isa akong nagpalaki sa anak namin. Ngayon alam mo kung gaano kasakit, sana kahit sumagi lang sa isip mo na sana hindi mo ginawa sa akin kasi hindi kami nakatanggap ng anak ko ng apology from you at ako ang pinagbantaan ng parents mo. 

It's sad you know the taste of your own medicine. Siguro ngayon nagbago kana pero I beg to disagree. It's not true na hindi ka gumawa ng ikasasakit ng ibang tao. 

Nandito ako I'm the living proof. Kaming dalawa ng anak ko. Sana you learned your lessons ngayong may anak ka na din. You owe me an apology. I deserve it. Dahil habang buhay ko ng dala dala to."

Ito ang ibinunyag ng isang netizens tungkol kay Zeinab Harake. May nagawa umano si Zeinab na ikinasasakit ng damdamin niya. 

Agad namang umalma rito si Zeinab Harake, hindi man ito diretsahan ngunit base sa kanyang latest post na nagsasabing ang daming fake news ngayon at tila tawang tawa pa ito base sa kanyang ginamit na emoji. 

Tila pinapahiwatig nito na walang katotohanan ang pinagsasabi ng netizen na nagpost ng paninira laban kay Zeinab Harake.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo