Ipinost ni Toni ang larawan nilang mag-asawa kasama ang dalawang pinakamataas na pinuno ng Pilipinas, sina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio. During the proclamation ay nasabi ni Toni sa kanyang sarili.
"Grateful to witness this."
Kasunod ang mga emojis na praying hands at bandila ng Pilipinas.
Samantala ang mister naman niyang si Direk Paul Soriano ay maligaya rin sa tagumpay ni BBM na hayagan niyang sinusuportahan sa mahabang panahon.
Sa kabilang banda, maging ang bagong Pangulo ng bansa na si Ferdinand Bongbong Marcos ay malaki rin ang pasasalamat sa lahat ng mga naitulong ng mag-asawang Soriano sa kanyang pangangampanya noong nakaraang halalan.
Sa kanyang sariling social media account ay ipinost ng bagong Pangulo ng Bansa ang video na kuha sa loob ng isang private room kung saan nagtitipon-tipon ang mga VIP's ng bansa na humahawak ng mga matataas na katungkulan sa gobyerno.
Makikitang kabilang sa nasabing private group sina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Makikita rin na personal pa silang ipinakilala ni Pangulong Bongbong Marcos sa ina nitong si Imelda Marcos. Pagkatapos ay isinagawa rin ang photo shoot kabilang sina Toni at Paul.
Very grateful at proud umano si President Bongbong sa lahat nang naitulong at contribution ng mag-asawang Soriano sa tagumpay ng kanyang kampanya sa pagka-pangulo. Ibinida pa nito sa kanyang ina, na si Direk Paul ang mga gumawa ng kanyang mga campaign Ads. habang si Toni naman ay matapang na sinalubong ang kaliwa't kanan na pambabatikos dahil sa pag-iindorso at hayagang pagsusuporta sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!