Nakasama na rin ni Melanie Dubos, ang viral na pulubi na kumapit sa isang reporter ng ABS CBN.
Taong 1997 pa ito umalis upang maghanap umano ng trabaho sa Kamaynilaan pero ang nangyari ay mayroon umano itong nakilalang gumagamit ng droga. Sa ngayon ay sobrang saya ng kanyang anak na 26 years old na.
Umiyak rin ang kanyang kapatid sa kanilang muling pagkikita. Ayon sa mga netizens na may paraan talaga ang Diyos upang muling magkikita ang magkapamilya. Napakasaya ngayon ng mga kaanak nito dahil muli silang nagkasama matapos ang tatlong dekada.
Nagviral ang video kung saan yumakap si Melanie sa isang reporter ng ABS CBN. Dahil rito, malaki ang pasasalamat ng kamag-anak ni Melanie sa ABS CBN dahil ito umano ang naging daan na muling makita at makasama nila ang isa't isa.
Sa ngayon nakaset-up na sa Maalaala Mo Kaya ang pangyayari sa buhay ni Melanie na inaabangan ng mga netizens. Para sa kanila, isa ito sa mga makabuluhang kwento sa buhay.
Ilang taong umalis at nawala, nakasalamuha ng ibang mga tao. Inaabangan rin ng mga netizens kung ano nga ba ang totoong nangyari kay Melanie bago siya naging palaboy.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!