Xian Gaza, Hindi Nagpatinag Kina Rob Moya at Skusta Clee! | Todo Tanggol Nito Kay Zeinab Harake!

Biyernes, Mayo 13, 2022

/ by Sparkle

Hindi pa rin humuhupa ang balita ng hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. 

Mas lalong umingay pa ito matapos ang pagbubunyag ni Zeinab sa isang interview sa YouTube channel ni Toni Gonzaga. Dito isiniwalat ni Zeinab ang lahat ng mga nangyari sa kanila ni Skusta Clee na humantong sa hiwalayan. Mula sa pagbabago ng ugali nito hanggang sa mahuli na niyang nambabae ito.

Nanggagalaiti naman ang mga fans, kaibigan at pamilya ni Zeinab Harake. Sobra ang pagkadismaya nila sa muling pambababae ni Skusta Clee. Matapos ang mahabang pananahimik ni Skusta Clee, nagsalita na ito sa kauna unahang pagkakataon. 

Ang nasabing post ng rapper ay makikita sa Facebook post nito. Na may kalakip na litrato at may caption na,

"Di bibilangin ang pagkakamali, patawarin mo akong muli."

Ang nasabing post na ito ay nito lamang May 12, 2022 na may hashtag pang 'kumpisal'. Gayunpaman, kasabay ng paglalabas nito ng pahayag ay inirelease din nito ang bago nitong kanta. 

Hula naman ng ibang mga netizens na ang post na ito ng rapper na si Skusta ay ang sagot na niya  sa isyung kinakaharap niya ngayon. Dahil sa paandar na ito ni Skusta, maraming mga netizens ang hindi napigilang magkomento. 

"Isyu muna bago release ng kanta."

May isang netizen naman na nagsabi na dapat pagsamahin sila ni Rob dahil pareho umano silang mga gunggung.

Samantala, nag patutsada naman si Xian Gaza kay Skusta Clee. Kamakailan lang ay walang kaabog abog na nagpost ang certified marites sa kanyang Facebook page na tila patama kay Skusta Clee. 

Ayon rito, napakapangit na nga raw ni Skusta Clee, babaero pa. Dagdag pa nito,

"Zeinab dito ka na lang sa lalaking 'to."

Nilakipan pa ni Xian ng sariling picture. Lumabas ang mga pahayag na ito ni Xian matapos magtrending ang naging interview ni Zeinab Harake sa vlog ng TV host actress YouTuber Toni Gonzaga. 

Marami ang naantig sa kwento ni Zeinab noong dinadala pa niya ang pangalawang anak sana nila ni Skusta Clee ay niloloko na pala siya nito. Hanggang sa mawala na talaga ang bata.

Matatandaang isa si Xian Gaza sa mga nakisawsaw noong nagsimula pa lamang ang bali balitang hiwalayan nina Zeinab at Skusta. Ipinost pa ni Xian ang picture ni Skusta kasama ang ibang babae. 

Kaya naman inakala nang lahat na ito na ang babae nito. Nilinaw naman kalaunan ni Zeinab na hindi ito ang sinasabing babae ni Skusta Clee.

Sa muling pagpapasaring ni Xian Gaza, hindi lang si Skusta Clee ang kanyang pinatamaan. Maging si Rob Moya na isa ring babaero ay dinamay niya. Sa sinabi niyang dapat itong dalawang ito ang dapat na magkatuluyan. 

Nagkomento naman dito si Rob Moya at sinabing,

"Mas bagay sayo tumahimik ka."

Sinagot naman ito ni Xian ng, 

'true ingay ko na masyado eh. Pero lodi mas bagay sayo maging scriptwriter basta wag lang ikaw yung aarte. Idol kita sa pagsagawa ng script eh. Ayan yung bagay na gusto kung matutunan sayo. Sa tsismis lang kasi ako magaling. Tipong magpropose ako sa isang babae gamit ang billboard tapos batuhin ako sa noo ng billboard ganorn pang Bollywood ang datingan. Written and directed by: Rob Moya.'

Sa hinaba haba ng sagot na ito ni Xian, tila tinamad si Rob na basahin ito at nagsorry kay Xian at sinabing tinamad itong basahin ang isinulat nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo