Ayon sa naunang post ni Skusta,
"Mababang uri ng tao. Gets nyo na yun."
Sinundan naman niya ito ng,
"Not my baby."
Ang mga cryptic post na ito ay ibinahagi ni Skusta Clee sa kanyang Facebook account matapos napabalita na muling nagkasama sina Zeinab Harake at ang dating ka-loveteam nito na si Wilbert Ross.
Pansin ng mga netizens na tila nagseselos umano si Skusta Clee kay Wilbert. Matatandaan na napabalita rin noon na nagkakamabutihan sina Zeinab at Wilbert ngunit hindi ito natuloy dahil nagkabalikan sina Skusta Clee at Zeinab.
Samantala inamin ni Wilbert sa isang interview na totoong may nararamdaman na siya kay Zeinab. Kaya naman ngayon, tila hindi napigilan ni Skusta Clee ang sariling magbigay ng opinyon at tila nagpapansin muli kay Zeinab Harake.
Tinuldukan naman kaagad ni Zeinab ang isyu tungkol sa kanila ni Wilbert. Nagbigay si Zeinab ng mensahe para kay Wilbert sa pamamagitan ng IG story niya.
gusto ko lang sabihin sa taong to napaka the best niya iba yung love and care ng samahan natin mula noon at di nagbago yun matapos lahat ng nangyare. Masaya ko na anjan ka pa rin palagi para suportahan ako salamat @hashtag_wilbert yung pagkakaibigan natin ayun yung pang habang buhay at di matitibag wow whahaha pero ang saya ko okay na tayo labyuu bebe ko
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!