Tahimik ngayon ang buhay at pagsasama ng mag-asawang Mateo Guidicelli at Sarah Geronimo. Low key din sila pagdating sa kanilang love life.
Nahahalata naman sa mga social media post ng mag-asawa na masayang-masaya sila sa kanilang pagsasama. Madalang man ang mga proyektong nakahain sa kanila, masaya sila while enjoying their moment together, kasama ang kanilang pamilya.
Sa kabila ng kanilang pananahimik, hindi pa rin naiwasang mapag-usapan ang mag-asawa. Sa isang episode vlog na ipinalabas ng isang sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin, napag-usapan nila ang bali-balitang lilipat ng estasyon ang mag-asawa.
Ayon kay Cristy Fermin, may mga balitang aalis na sa ABS-CBN sina Sarah Geronimo at ang mister nitong si Mateo Guidicelli lilipat na umano ang mga ito sa GMA Network.
Naikonekta sa mag-asawa ang Viva Entertainment Boss na si Vic Del Rosario. Isa ito sa mga nagha-handle kay Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na karamihan sa mga GMA shows ay produced by Viva Entertainment. Hindi umano malabo na mahila ni Boss Vic sina Sarah at Mateo papunta sa GMA Network.
Wala namang masama kung lilipat ang mag-asawa sa kabilang network. Hindi naman malabo na umunlad ang kani-kanilang mga career sa kabilang network.
Komento naman ng kanilang mga fan, na patuloy pa rin silang susuporta sa mag-asawa kahit saan TV Network ito mapunta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!