After 15 Years Mga Anak Ni Ruffa Gutierrez Lorin at Venice Muling Nakapiling Ang Ama Yilmaz Bektas

Sabado, Hunyo 11, 2022

/ by Sparkle

Matapos ang isa't kalahating dekada o 15 years ng pagkakahiwalay ay muling nakasama ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice ang Turkish businessman dad nilang si Yilmaz Bektas. 

Naging madadamin ang pagtatagpo ng mag-aama sa international airport ng bansang Turkey. Mahigpit na yakap at halik na bunga ng matagal na pangungulila ang iginawad ni Yilmaz sa dalawang anak nila ng kanyang ex-wife na si Ruffa Gutierrez.

Si Ruffa ang nagbahagi ng video ng pagkikita nila Lorin, Venice at Yilmaz sa kanyang social media accounts na nagpaluha sa mga netizens.

"The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart.", ang caption ni Ruffa sa video na nilagyan niya ng hashtags na:

"#NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice"

Matatandaan na naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz noong 2007 pero noong 2012 lang tuluyang napawalang-bisa ang kanilang kasal. At sa isang interview ng aktres, sinabi niya na noong holy week ay nagkausap na sina Venice at ang ama nitong si Yilmaz sa telepono. 

Kinumusta daw kasi ng sister ni Yilmaz ang bunso niyang anak dahil napaniginipan daw ito ng ama niya. Ikinwento daw niya ito kay Venice at ito na mismo ang nagsabing ibinigay niya doon ang number nito para magkausap silang mag-ama. At dito na nga nagsimulang muli ang komunikasyon ng mag-aama. 

Kwento pa ni Ruffa, sabik daw ang kanyang mga anak na muling makita ang tatay nila at mga relatives nito sa Istanbul. Mga bata pa kasi sila nang nilisan nila ang Turkey noong maghiwalay sina Ruffa at Yilmaz. 

Samantala, halos maiyak naman sa kaligayahan si Yilmaz nang makita niya ang kanyang mga anak, na sorpresa niyang niyakap habang nasa airport ng Turkey. Panoorin ang video sa itaas para sa madamdaming pagtatagpo ng mag-aama.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo