Agaw Attention Ang Babaeng Bumihag Sa Puso Ni Cong. Sandro Marcos!

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Aktres na sinasabing girlfriend ni Sandro Marcos agaw-atensyon online.

Kamakailan naging mainit na usapin online ang kumpirmasyon mula sa kampo ni Alexa Miro kaugnay sa pagiging nobya ng Presidential son na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos. Ayon naman sa ilang mga source, matagal na ang relasyon ng dalawa. Mag-iisang taon na umano mula nang magkaroon sila ng relasyon.

Gayunpaman, itinago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil tutol ang iba sa kanilang pagmamahalan. Ngunit, tila wala nang makakapagpigil sa dalawa na ipaglaban ang kanilang pag-iibigan.

Bukod pa rito, ayon sa kampo ni Alexa, gusto umano nito sa tahimik na mundo at malayo sa social media upang makaiwas sa intriga. 

Nitong nagdaang election, makikita si Alexa na todo suporta kay Sandro. Makikita ang aktres sa mga meeting de avance.

Nitong nagdaang linggo, kakauwi pa lamang ng dalawa mula sa Europe. Makikita sa dalawa ang kanilang pag-ibig na tunay.

Matatandaang ma-link si Sandro kay Barbie Imperial, gayung magkaibigan lamang ang tunay na relasyon ng dalawa.

Si Alexa ang tunay na iniibig ng Presidential son Congressman Sandro Marcos.

Ang rebelasyon ng pag-iibigan umano nina Sandro Marcos at Alexa Miro ay umani ng samu't saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo