Alalay Ng Kapamilya Aktor-sinampal! Natanggal Ang Mga Ngipin?

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Alalay ng Kapamilya actor sinampal? Natanggal ang mga ngipin?

Kamakailan ay nagkwento ang dating alalay ng Kapamilya aktor na ngayon ay isa nang artista. Ayon dito, sinampal umano siya nang malakas sa rehearsal sa taping ng kanilang teleserye.

Kwento ng dating assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien, ay namula umano ang kanyang pisngi sa sampal ng Dating Bb. Pilipinas Miss Universe 1967 na si Miss Pilar Pilapil.

"Sinampal na niya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay niya, 'yung totoo ha, 'yung hindi eme-eme. Talagang namula 'yung mukha ko," pagkukwento pa nito.

Pero kahit nasaktan siya ay biniro pa rin niya si Ms. Pillar Pilapil,

"Sabi ko sa kanya, 'Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang. Wala pang sinabi si Direk na take. Alam mo, Tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko," aniya.

Sagot naman sa kanya ni Ms. Pilar,

"Okey lang 'yan. Marami ka pa namang ngipin."

"Bastos 'no? Hahaha," natatawang sabi ni Moi.

Dagdag pa nito,

"Ang sakit ng kamay niya kasi ilang beses niya akong sinampal. Hindi siya fake, ha. Totoo. Pulang-pula 'yung pisngi ko."

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo