Sentro ng balita ngayon si Sen. Grace Poe na naulila na matapos ihatid sa huling hantungan ang kanyang adopted mother na si Susan Roces.
Ikinuwento ni Sen. Grace na sa huling mga sandali ng kanyang ina tila nagawa na nito ang kanyang mga misyon sa buhay. Nang kilalanin ang batas ng kanyang anak na si Grace at ilang mga bata na katulad nito na kilalanin na bilang natural born citizens kahit na inabandona sila noong sanggol pa lamang.
Hindi kaila sa publiko ang buhay ni Sen. Grace Poe. Kinilala siya bilang anak ng Philippines showbiz couple na sina Susan Roces at Fernando Poe Jr. Pero pagdating sa kanyang mga tunay na magulang, nabalot pa ito ng mga misteryo.
September 3, 1968 nang matagpuan ang sanggol na si Grace sa Holy Water Front ng Jaro Metropolitan Cathedral sa Iloilo City ng isang babae. Inireport naman nito sa priest in-charge ng simbahan dahil rito pinangalanan ng naturang pari ang sanggol ng Grace dahil itinuring siyang grasya mula sa panginoon.
Bininyagan si Grace ng Arsobispo ng Jaro na naging Arsobispo rin sa Manila kinalaunan. Inanunsyo ng simbahan na may naiwang sanggol sa loob ng parokya at nanawagang kung sino ang mga magulang ng bata ay lumapit lang at kanilang ibibigay si Grace ngunit walang umako sa sanggol.
Kalaunan may isang ginang na kumupkop kay Grace ngunit may limang anak na rin ito hanggang maipasa si Grace sa mag-asawang Susan Roces at Fernando Poe Jr. na noon ay hindi biniyayaan ng anak.
Napag-alaman na ang tunay na mga magulang ni Grace ay mga Ilonggo. Gayunpaman nagpapasalamat pa rin si Sen. Grace na napunta siya sa mga mabubuting tao at itinuring higit pa sa tunay na anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!