Inamin ng aktres na si Andi Eigenman na may pagkakataong halos mabaliw na siya sa pag-aalaga sa tatlo niyang mga anak. Idinaan ng fiancee ng professional surfer na si Philmar Alipayo sa Instagram ang ilan sa mga mommy problems na pinagdaraanan niya bilang bahagi ng kanyang motherhood journey.
Nagbahagi si Andi ng litrato ng kanyang mga anak na sina Elly, Koa at Lilo habang naglalaro sa beach kalakip ang mga hugot niya sa pagiging nanay.
On days that I feel like I am going crazy with all these kids, I just tell myself, "ginusto mo yan!"but kidding aside, yes, I did ask for this! I wanted this.Just as that saying goes:I hope for the wild children with their bare feet and eyes that sparkle. The restless climbers. The ones that use outside voices, that sing like no one is around. These wonder- filled glorious mess makers dreaming of mountains and mud, aching through a field of stars. My little wildlings! Love them just as they are.
Ayon pa kay Andi, napakabilis umano ng pagdaan ng panahon dahil sa isang iglap lang ay 10 years old na si Elly. Habang unti-unti na ring lumalaki ang dalawang anak niya kay Philmar na sina Koa at Lilo na nagiging curious na rin sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Sa gitna ng mga challenges na kinakaharap niya bilang ina, ang palagi lang niyang iniisip ay ang mabigyan ng maayos at magandang buhay ang tatlo niyang mga anak.
Nagbahagi rin siya ng isang quote sa kanyang mga followers na ina-apply niya palagi sa anumang sitwasyon na pinagdaanan niya as a mother and partner of Philmar.
Sa huling bahagi ng kanyang post nagbahagi si Andi ng mensahe para sa kanyang mga anak kung saan ipinagdiinan niya ang kanyang ibinibigay na unconditional love at tanggap na tanggap niya ang pag-uugali.
Matatandaang ilang buwan ding nawala sa Siargao ang pamilya ni Andi matapos sumalanta ang Typhoon Odette. Isa sa naapektuhan ng bagyo ay ang bahay nila sa Isla at habang pinpaayos nila ito ay sa Manila muna sila nag-stay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!