Nanggigigil ang maraming mga netizens sa naging panawagan ni Sen. Ralph Recto para sa dating Senadora na si Leila De Lima.
Ito'y matapos sabihin at tila pang-uutos ni Sen. Ralph Recto kay PBBM na palayain na si Leila De Lima dahil wala naman umano itong kasalanan. Ang lahat umano ng mga akusasyon rito ay pawang mga gawa-gawa lamang.
Ayon kay Sen. Recto,
"Another feisty lady worthy of our respect is Leila De Lima. A prisoner of conscience, punished for her courage but whose spirit no prison wall could contain. Trolls put her behind bars but the truth would set her free. Mr. President-elect free Leila De Lima."
Komento naman ng mga netizens kay Sen. Recto, ni hindi man daw umano mabanggit nito ang pangalan ng bagong halal na pangulo. Sinabi lamang umano nito na palayain si Leila De Lima.
Kinatuwaan pa ng ilang mga netizens ito at maging ang aktres na si Andrea Brillantes ay nadamay sa naging panawagan ng senador.
Narito ang komento ng netizen,
Utusan natin si Andrea Brillantes para itanong kung nasaan ang utak nito.
Matatandaang nagtrending noon si Andrea Brillantes matapos nitong itanong sa mga Pilipino kung nasaan ang kanilang mga utak matapos iboto si BBM.
Komento naman ng isang netizen, na ang kaso ni Leila De Lima ay nasa Jurisdiction of our Courts at hindi umano pwedeng ipag-utos na lamang ni BBM na palayain ito. Kailangang hintayin muna ang hatol mula sa korte upang malaman kung inosente nga ba ito o talagang may sala.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!