Ang Swerte! Gerald Anderson Makaka-tambal Si Kylie Padilla Sa Isang Proyekto

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Maingay at sunod-sunod ang mga proyekto ngayon ng aktor na si Gerald Anderson. Masasabing para sa kanya ang taong ito.

Excited ang lahat sa paglaunch ng kanyang project kasama si Ivana Alawi, Ang 'A Family Affair'. Makakasama rin niya sa seryeng ito ang mga aktor na sina  Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito.

Hindi pa man pinapalabas ang nasabing serye ni Gerald, excited na ang mga tagahanga ng aktor para rito.

Samantala, sa isang article na ipinalabas ng isang entertainment page. Napagalaman na napaka swerte ngayong taon ni Gerald Anderson sa kanyang career.

Sa nasabing article, ayon dito na makakatambal ni Gerald ang Kapuso Actress na si Kylie Padilla sa iisang proyekto. Makikita rin sa isang post ng isang kilalang Film producing company, na MAV X PRODUCTION ang mga larawan ng magkasamang Gerald Anderson at Kylie Padilla. May caption din itong 'coming soon tatak MAV X'.

Tila kinumpirma ng MAV X Productions ang upcoming project nina Gerald at Kylie na magkasama. Makakasama rin umano nila sa nasabing projects ang ilan sa mga magagaling na artista sa industriya.

Bagama't wala pang malinaw na detalye patungkol sa bagong project na ito na pagsasamahan ng dalawa. Maraming netizens na ang na-excite sa unang pagkakataon na magkasama sina Gerald at Kylie.

Maraming mga netizens ang nagsasabing umaayon ngayon ang panahon para sa career ni Gerald Anderson. Excited din ang kani-kanilang mga fans na makita silang nasa iisang frame. Tiyak din umano ang tagumpay sa nasabing project nila dahil pareho silang magaling at professional pagdating sa trabaho.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo