Angelica Jane Yap Nagalit Kay Sachna Laparan Dahil Siya Diumano Ang Source Ni Makagago!

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely


Matapos magtrending at naging usap-usapan sa social media ang mga pahayag ni MG sa kanyang social media accounts tungkol sa umano'y panloloko ni Flow G sa kanyang girlfriend na si Pastillas Girl.

Matatandaang, agad na bumwelta si Pastillas Girl at pinabulaanan ang mga pahayag ni Makagago at sinabing walang dungis o mantsa ang kanyang boyfriend na si Flow G. Tila ipinahiwatig din ni Pastillas Girl sa kanyang deleted post na may ibubunyag rin siya na tinatawag niyang 'exciting part'.

Inabangan naman ng mga netizens ang sinasabing exciting part ni Pastillas Girl maging si MG ay tila hindi na rin makapaghintay sa sinasabing ito ni Pastillas Girl.

Tila naiinip na post ni MG sa kanyang Facebook page,

1 araw na yung paghhntay ng lahat sa ilalabas ni Girl,
Ang hirap humanap ng Source no? Hahaha
Sayang naman napakadami ko pang bala dito….
Grabe kana, may balita pa ako na pinaghihinalaan mo daw si Flawless, na sya ang nagbbgay sakin ng source and babawian mo sya sa pamamagitan ng…. 😅 ops…
Waiting lang ako…
Labas mo na yan!
KNOCKOUT ROUND NA TO
1LGFV

Sa bagong post naman ni MG tila hinahamon nito si Pastillas Girl at pinayuhan pang, 'huwag kabahan'.

Pag Bukas, Walang Update si Girl.
Maglalabas ulit ako ng something…
Around 9pm tomorrow.
Wag Kang Kabahan ha? Papunta palang tayo sa exciting part e hahaha..
1LGFV



Samantala, nadawit naman ang pangalan ng CO na si Sachna Laparan. Siya ang pinaghihinalaan na source umano ni MG sa mga isyu tungkol sa magkasintahang Flow G at Pastillas Girl. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sina Pastillas Girl at Sachna Laparan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo