Apektado Si Dennis Padilla Dahil Sa Open Letter Ng Kanyang Anak Na Si Leon Baretto!

Lunes, Hunyo 27, 2022

/ by Lovely

Tila apektado ang komedyanteng si Dennis Padilla sa open letter ng kanyang anak na si Leon Barretto. 

Agad siyang humingi ng paumanhin sa anak matapos itong maglabas ng open letter sa Instagram kahapon June 26, 2022.

Maraming nag-react sa nasabing open letter ng anak ni Dennis bilang sagot sa post ni Dennis tungkol sa hindi pagbati ng mga anak noong nakaraang Father's Day.



Matatandaan, na umani ng samu't-saring mga komento mula sa mga netizens ang post ni Dennis Padilla tungkol sa pagkalimot ng kanyang mga anak sa pagbati sa kanya noong Father's Day. Sinabi rin nito na mahal na mahal niya ang mga anak sa kabila ng hindi pagbati ng mga ito sa kanya at umaasa na darating rin ang araw na magkikita at magkakasama silang muli.

Kung anu-anong mga salita ang ibinabato ng mga netizens laban sa magkakapatid dahil naaawa sila sa sitwasyon ni Dennis. 

Sa kanyang Instagram, nagpost ng mensahe si Dennis para sa anak niyang si Leon matapos mabasa ang open letter nito.

"I am sorry Leon. Miss ko lang kayo. God bless you more! Just want to know what false narrative I said in public? I been reaching out to all of you for 15years in private," post ni Dennis sa Instagram.

Ramdam na ramdam ng mga IG follower ni Leon ang sama ng loob nito sa kanilang ama. Kaya naman, napunta na sa kanilang magkakapatid ang simpatiya ng mga tao.

Samantala, ipinaliwanag din ni Marjorie Barretto na may dahilan kung bakit may tampo ang mga anak niya kay Dennis Padilla. Sa vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, isa sa mga naging usapan nila ang burado nang post ni Dennis.

Tinalakay din nila ang mga naging reaction ng mga netizens sa mga anak ni Dennis kay Marjorie ukol dito. May mga bumabatikos sa mgakakapatid dahil sa hindi nila pag-alala sa kanilang ama. Kaya naman, ibinahagi ni Ogie na nakausap niya diumano si Marjorie at ibinahagi ng dating aktres ang kanilang panig. Regarding sa pagtatampo ni Dennis sa hindi pagbati ng mga anak noon Father's Day.

Ayon umano kay Marjorie, dadating din ang panahon na magsasalita din siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon. Umaasa umano si Marjorie na poprotekhan ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon.

Marami ang mga nag-aabang ngayon kung ano nga ba ang ibubunyag ni Marjorie para maunawaan ng lahat kung bakit tila galit ang mga anak nila ni Marjorie kay Dennis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo