Asawa Ni Moira Dela Torre Bading Daw at Nanlalake Si Jason Marvin Ayun Kay Xian Gaza

Miyerkules, Hunyo 1, 2022

/ by Lovely


Kagabi, May 31, 2022 malungkot na ibinalita ng Kapamilya singer na si Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez na tinapos na nila ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa Instagram, ipinost ni Jason ang joint statement kung saan humingi silang mag-asawa ng privacy. Ipinaliwanag din nila ang desisyong tuldokan na ang kanilang relasyon. Subalit mananatili pa rin ang respeto at pagmamahal nila sa isa't isa.

Samantala, sa caption ng nasabing Instagram post, sinabi ni Jason na ito na marahil ang pinakamasakit na bagay na kailangan niyang isulat. Inamin niya kay Moira na nangaliwa siya sa kalagitnaan ng kanilang relasyon na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa huli, humingi siya ng tawad sa lahat ng nasaktan niya lalong lalo na kay Moira.

This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.
3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.
From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi

Samantala, nakakaintriga naman ang post ni Xian Gaza sa Facebook. Aniya, lalaki ang gusto - ang magiging tema ng susunod na kanta ni Moira Dela Torre. 

Kasunod nito ay ipinost niya ang picture ni Jason na may katabing lalaki sa loob ng eroplano. Mababasa rin sa sulat sa sweater ni Jason ang salitang 'malaya'. Hindi naman nilagyan ng caption ni Xian ang nasabing photo, hindi rin kinilala ni Xian kung sino ang lalaking kasama ni Jason.

Ibinahagi rin ni Xian ang naging post noon ni Jason na sinabi nitong,

"Sa isang iglap, nagbago'ng lahat, hindi ko na kaya pa na magpanggap"

Mabilis na kumalat ang balita at haka-haka na baka umano bading ang asawa ni Moira lalo na sa kanyang mensahe na hindi naman umano nito sinabi kung paano ang pagiging unfaithful na kanyang nagawa.

Naging trending pa sa Twitter ang Moira, pangalawa naman ang Xian Gaza.

Samantala, ayon sa mga netizens, ang manager ni Moira ang nasa larawan kasama ni Jason Hernandez sa photo na pinost ni Xian Gaza sa Facebook page nito.

Samantala, ito naman ang inihayag ng isang source na malapit sa mag-asawa matapos lumabas ang iba't-ibang mga haka-haka tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. 

Sinabi nito na manager ni Moira ang kasama sa larawan ni Jason at wala ring ibig sabihin umano ang nakasulat sa sweatshirt nito.

Aniya, ang nasabing damit ay merchandise ni Moira. Dagdag niya, mabibili ang sweatshirt sa moiradelatorre.com. 

Ipinaliwanag din niya na nagsalita siya upang matigil na ang fake news na naging resulta ng pang-iintriga ni Xian Gaza sa Facebook page nito.

"I hope you don't tolerate fake news at ang balitang bading si Jason Hernandez at lalaki ang dahilan ng hiwalayan nila ni Moira ay walang katotohanan."

( Hide )
  1. Dafat lang ...hinde kakahiya para sa gurl yang kabadingan...

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo