John Lloyd Cruz may bagong proyekto sa GMA7.
May pag-uusap na naganap sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Gozon Valdez. Kasama ni Valdez ang iba pang executives ng GMA network.
First, Vice President for Program Support Department, Jose Mari Avec an. VP for Drama Production, Cheryl Ching Sy at Senior AVP for Alternative Productions, Gigi Santiago Lara.
Kasama naman ni John Lloyd ang kanyang mga manager sa Crown Artist Management na sina Rambo Nunez at Miki Gonzales.
Makikita ito sa post ni Annette Gozon Valdez sa kanyang Instagram account na may caption na productive meeting.
Hinuha ng mga netizens na baka may ipapasok na kalove team para sa aktor. Hiling naman ng ilang mga netizens na sana matuloy na umano ang project nina John Lloyd at Bea Alonzo.
Matatandaang nabanggit ni Bea Alonzo sa naging panayam niya noon na may posibilidad na makagawa siya ng movie with John Lloyd under GMA films. May mga naghihintay ring fans para sa tamabalang John Lloyd at Andrea Torres.
Kasalukuyang nasa 3rd season na ang sitcom ni John Lloyd na Happy Together na may mataas na ratings. Kaabang-abang ang susunod na proyekto ni Jhon Lloyd.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!