Bakit Nagpa Laglag Si Princess Punzalan Noong Siya Ay 15 Years Old?

Lunes, Hunyo 27, 2022

/ by Lovely

Veteran kontrabida actress na si Princess Punzalan viral sa social media matapos ibinulgar ang isang parte ng kanyang nakaraan. Inamin ni Princess na nagpa-abort siya noon, sa edad na 15 taong gulang.

Si Princess Punzalan ay anak ng yumaong actress at host na si Helen Vela. Siya ay nakilala sa industriya hindi lamang dahil sa kanyang husay kundi dahil na rin sa impluwensya ng kanyang mga magulang.

Ayon sa kwento ni Princess, 15 years old siya ng mabuntis ng isang lalaking minahal sa kanyang murang edad. Hindi umano siya pinanindigan ng lalaki at dahil natakot siya sa magiging reaksyon ng ina, nagdesisyon na lamang umano siya na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Itinago ni Princess ang nangyaring iyon sa kanyang buhay. Siya ay nag-artista hanggang makilala ang lalaking muling nagpatibok sa kanyang puso sa edad na 19.

Ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa kasalan. Sa aming pananaliksik, aming napag-alaman na ang lalaking iyon ay si Willie Revillame. Sila'y ikinasal noong 1990. Naging maayos ang unang taon ng kanilang pagsasama pero ayon kay Princess sinubukan nilang magkaroon ng anak pero hindi sila nabiyayaan ng kahit isa.

Matapos ang apat na taong pagsasama, nagdesisyon silang maghiwalay at na-annull ang kanilang kasal noong 1997.

Sa gitna ng mga challenges na naranasan ni Princess sa kanyang buhay, nagtagumpay si Princess sa kanyang karera bilang isang mahusay na kontrabida sa mga pelikula at serye.

Samantala, habang siya ay inuulan ng mga biyaya, siya ay napalapit sa Dios at naging vocal sa kanyang pagiging Kristyano. Muli na naman siyang nakakilala ng lalaki na muling bumihag sa kanyang puso, si Jason Field.

Si Jason Feild ay isang American marketing professional. Sila ay nagpakasal noong 2005 at mula noon napagdesisyonan nila sa California mamalagi. Sampung taon nilang sinubukang magka-anak ngunit hindi pa rin sila nabiyayaan kaya nagdecide na lamang silang mag-ampon.



Ayon kay Princess, masaya umano siya sa kanyang inampong anak ngayon at nagpapasalamat sa ina nito na hindi nito ipinalaglag ang anak at nakasama niya ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo