BILYONARYO! Ganito pala kayaman ang dating asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas!

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang reunion ng mag-aama ni Ruffa Gutierrez na sina Yilmaz Bektas, Lorin at Venice. Ang kanilang mga anak ay nagpunta sa Turkey ilang araw na ang nakakalipas.

Doon naganap ang kanilang reunion matapos ng labing limang taon.

Si Yilmaz ay isa sa mga kilalang tao sa Turkey at naibalita na rin doon ang muli nilang pagkikita.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, mas yumaman pa ngayon si Yilmaz. Nagkaroon siya ng karagdagang mga negosyo nang maghiwalay sila ni Ruffa. Alam naman ng lahat na nagmula sa mayamang pamilya si Yilmaz kaya naman nagustuhan siya ng ina ni Ruffa Gutierrez na si Anabelle Rama. Ayaw na ayaw umano nito ang isang patay-gutom na lalaki.

Si Yilmaz ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa Turkey. Bukod pa rito, siya ay may sarili nang negosyo bago pa man siya nakipagkasundo ng kasal kay Ruffa.

Ibig sabihin na hindi na siya umasa noon sa yaman ng kanyang mga magulang.

Si Yilmaz ay kilalang bilyonaryo sa bansang Turkey. Siya ang chairman ng Intel Group of Companies kung saan may investments ito sa malalaking industriya tulad ng energy, fuel, finance, construction, tourism, jewelry, import at export. 

Naitayo ni Yilmaz ang Intel Group of Companies noong taong 2000, tatlong taon bago sila nagpakasal ni Ruffa Gutierrez dito sa Pilipinas. Mula noon ay patuloy na siyang nagpapalago sa kanyang mga negosyo. Hanggang ngayon, lumaki na nang higit sa triple.

Sa klase ng pamumuhay ni Yilmaz paniguradong engrande rin ang maibibigay niyang buhay sa mga anak na sina Lorin at Venice.

Sa isang gathering nila ng kanyang mga anak kasama ang half sister ng dalawa, makikitang nasa isang yate sila na pagmamay-ari din ng kanilang ama.

Kung may lavish lifestyle sina Lorin at Venice dito sa Pilipinas siguradong mas bongga ang pamumuhay nito ngayon kasama ng kanilang ama.

Samantala, sa hindi pa nakakaalam bagama't matagal nang hiwalay sina Yilmaz at Ruffa dumating na sila sa puntong nakakapag-usap na parang magkaibigan. Civil na sila sa isa't-isa.

Taong 2020, nakatanggap umano si Ruffa ng isang wedding invitation mula kay Yilmaz na tinanggihan naman niya. Hindi naman malinaw kung natuloy nga ba ang pagpapakasal ni Yilmaz.

Bukod sa pagkakataong iyon, patuloy naman umanong nagre-reach out si Yilmaz sa kanyang mag-iina.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo