Buong Detalye Sa Ginawang Panloloko Ni Jason Hernandez at Moira Dela Torre Sa Isat-isa!

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang paghihiwalay ng mag-asawang Moira Dela Torre at Jason Hernandez. Sa isang social media post, kinumpirma ng singer-song writer na si Jason Hernandez ang paghihiwalay nilang mag-asawa matapos ang tatlong taong pagsasama.

Ayon sa pahayag ni Jason, pareho nilang ginusto ang maghiwalay. Inamin din nito, ang kanyang pagiging unfaithful kay Moira habang sila ay nagsasama.

Sa pag-aming ito ni Jason Hernandez, nananatiling tahimik ang asawang si Moira Dela Torre patungkol dito. Kahit na napupuno na ito ng samu't saring pang-iintriga at pambabatikos. 

Kumakalat rin ang samu't saring mga spekulasyon at haka-haka tungkol sa pagiging unfaithful ng asawa.

Sa kabila naman ng pananahimik ni Moira tungkol sa usaping ito, hindi naiwasan ng isang netizen na magsalita para kay Jason at tila ipinagtanggol ito.

Nilinaw din nito ang katotohanan at inihayag ang buong detalye sa umano'y panloloko ni Jason Hernandez at Moira Dela Torre sa isa't isa.

Tila binigyang linaw nitong netizen ang mga maling impormasyon tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa. 

Hindi umano totoong may lover si Jason at hindi rin ito bading taliwas sa mga kumakalat na balita ngayon. Ang pagiging unfaithful umano nito, ay ang pagpunta sa isang spa na may extra service. Ito umano 'yung mga time na hindi sila gaanong intimate ni Moira dahil sa emosyunal na pinagdadaanan nito.

Dahil umano sa guilt kaya umamin si Jason sa asawa. Ipinagdiinan din nito na hindi nagkaroon ng relasyon si Jason sa kahit na sinong babae.

Inilahad din ng nasabing netizen ang naging actions ni Moira matapos ang confession ng kanyang asawa. Dito umano nagsimula ang pagiging malapit ni Moira sa singer na si Zack Tabudlo.

Makikita sa ilang Instagram post ni Moira ang ilang mga larawan nila ni Zack. May isang larawan pa rito na magka-akbay ang dalawa. May caption ito na,

Feels like I've known you a lifetime when I only met you last night. ILY @zacktabudlo

Ayon sa mga kumakalat ngayon na nanggaling mismo sa isang close friend ng mag-asawa. Pareho umanong nagkasala ang dalawa sa isa't isa. Pareho umanong naging unfaithful ang dalawa at marahil na hindi nila ito sinasadya.

Ang mahirap lamang umano ay si Jason lamang ang umamin in public tungkol sa kanyang pagiging unfaithful. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo