Carla Abellana Nasagad Na, Say Tungkol Kay Tom Rodriguez: ‘I Was Lied to, I Was Used’

Sabado, Hunyo 18, 2022

/ by Lovely

Naubos na ang pasensya ni Carla Abellana matapos halungkatin ng isang netizen ang madalas na pagla-like ng aktres sa mga negatibong balita laban kay Tom Rodriguez.

Sa isang video ni Carla, lumutang ang isang netizen na ibinuking na nila-like ni Carla ang ilang mga social media post, partikular ang tungkol sa cheating.

“Ayaw mong negativity sana di ka na lang nag-like sa mga nega comments kay Tom, sana nung nagka problema kayo sana hindi ka nag igs na humihingi ka ng tulong?” saad ng netizen.

“Sana nag-usap na lang kayo, hindi yung hindi mo kinakausap tapos ngayon may balita nag-aasikaso ka ng annulment. Inaamin naman ni Tom nagkamali siya pero di naman po yata tama na natiis n’yo s’ya na hindi kausapin. Sana hinayaan mo siyang magpaliwanag, kaya lang marami ng nakisawsaw, like noon yung isa sa mga bff mo nag igs about narcissist, tapos may mga fans si Tom na sinasabi narcissist ka. Sana man lang po mag-usap kayo nang maayos ng asawa mo,” dugtong pa ng Marites.

“Kaya siguro nag-post si Tom kasi nagsawa na siya sa kahihintay na kausapin mo siya. Hindi po kayo magkaka-peace of mind kung di kayo nag-uusap mag-asawa. Kung gusto mong maging masaya ka mag-usap kayong mag asawa, sabihin mo sa kaniya lahat ng hinanakit mo hindi yung dine-deadma mo siya,” pagtatapos ng pahayag ng Marites.

Dito na sumabog si Carla at ibinunyag ang nangyari sa kanila ni Tom. Narito ang sagot niya sa netizen:

“Opo, nag-like po ako, pero ‘yon lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po ‘yon inulit. Nag-like po ako pero hindi ko po ginawa nang paulit-ulit at nang matagal. Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

“Kung sana hanggang doon lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo