Isang malungkot na balita, nagluluksa ngayon ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagpanaw ng kanyang ama na si Reggie Villarroel.
Sa Instagram account ibinahagi nito ngayong araw June 7, 2022 sinabi ni Carmina na makakasama na sa wakas ng kanyang ama ang namayapa na rin niyang ina.
Ani Carmina sa kanyang IG post,
Daddy Regy you're reunited with Mommy Menchu. Your one and only. Your first and last.
Samantala, maging ang mga anak ni Carmina na sina Mavy at Cassy ay may tribute rin sa kanilang lolo na kung tawagin nila ay Daddy Groovy.
Ani Mavy sa kanyang IG post,Thank you for everything, Daddy Groovy. Thank you for being so strong for all of us.
rest easy but keep drinking pilsen for me up there! cheers!
It’s not easy, i know you hate to see us cry.
I’ll do my best to smile. Don’t worry, I’ll keep mom safe.
We love you!
Ayon naman sa post ni Cassy,
The strongest man I know. I love you forever Daddy Groovy.
Fresh air Daddy Regy.
Hindi naman nabanggit kung ano ang naging sanhi ng pagpanaw ng ama ni Carmina.
Subalit ayon sa mga netizens, ay dala na marahil ng katandaan at ng mga kaakibat nitong mga sakit.
Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay para sa pamilya nina Camina Villarroel mula sa kanilang mga followers, at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!